Tag Archives: Tagalog classes

Link

Mga ALAHAS ni IMELDA MARCOS

  • IMELDEFIC – Ostentaciously extravagant o sobrang luho
  • Hango ito sa pangalan ng world famous nadating First Lady ng Pilipinas
  • Sino pa kundi si Imelda Marcos.
  • si Imelda na ang sapatos, mahigit dalawang libong pares.
  • Pero ngayon, isa pa sa kanyang mga luho ang nasa limelight.
  • Ang kanyang mga alahas.
  • 150 Karat Burmice Ruby pendant, pinalibutan ng diyamante.
  • Ang halaga, 290,000 dollars.
  • Ang kwintas na diyamante na may emerald, 1.5 million dollars.
  • Ang Tiara o Korona na tadtad ng brilyante, at meron pang South Sea pearls, 1.4 million dollars.
  • Ilan lang ito sa mga alahas ng dating Unang Ginang.
  • Manlalaki ang mga mata mo, sa kinang, sa ganda, at sa presyo!
  • Noong bumagsak ang diktaduryang Marcos,
  • Tatlong koleksiyon ang kinumpiska ng Beauro of Customs at
  • Presidential Commision on Good Government o PCGG.
  • Ang Honolulu collection, Ang Malakanyang collection
  • At ang nasa kamay ng Greko na si Dimitrio Romilyotes.
  • Ito’y bitbit ng isang Greek na ang pangalan niya ay Dimitreus Romilyotes in 1986.
  • Dala-dala niya ito sa NAIA at ito’y nasita ng aming nga Customs personel.
  • Ayon sa PCGG, tinatayang 30 million dollars ang halaga ng lahat ng ito.
  • Gagamitin daw ang pondo para sa ilang mga proyekto ng gobyerno.
  • Sa Nobyembre inaasahang gagawin ang malawakang international auction.
  • Dadaluhan ito ng ilang sikat na auction houses, Pristis, Sotheby’s, Bonhams.
  • Kahit sino daw, basta may pera, puwedeng sumali sa Auction.
  • Pero tutol si Mrs. Marcos kaya’t nagsampa siya ng petisyon para pigilan ang subasta.
  • Hindi lamang sintemental, mga ninuno namin, like mga krusipiho, mga rosaryo, mga religious items.
  • ng mga forefathers ko, parang may sentimental value.
  • Sa isang pambihirang pagkakataon, napaunlakan ako ng special viewing ng mga alahas ni Imelda.
  • I was astounded, astonishing, fabulous, anf hindi pa ito ang pinakamahal ha?
  • Yung Remulyotes ang pinakamahal.
  • Nakatago ang mga ito ngayon sa mga vaults ng central bank.
  • “Kapuso! marami siyang puso oh, Kapusong kapuso”
  • “Commisioner, sa kanya daw lahat ito?”
  • “Sinuot niya kaya ito? Various colors”
  • “Para hindi nila sabihing kase kinlose up lang, o ayan ho, piso!”
  • “Kaya mabigat, maliit na gold to”
  • “Card key ito, sobrang ano, sosyal na brand”
  • So hindi puwedeng she can claim that these are hers, kasi actually sinurender na nya.
  • Hindi naman kami maglalakas loob na ibenta ito if we know that
  • Its privately owned by any individual.
  • Pero sa totoo lang, hindi lang ang dating unang ginang ang mahilig sa mga alahas hindi ba?

 

Learn Tagalog Online

Skype id :elaic.tagalog

https://sellfy.com/elaictagalog

Our Facebook page

 

 

 

 

Link

Learn Tagalog Online|:

Kapuso mo Jessica Soho – Boneless bobotong asan, Candaba Pampanga

  • Ang isdang tabang tulad ng dalag, pwede raw gawing boneless
  • Sa Kandaba sa Pampanga, isa sa paboritong luto sa dalag
  • Boneless Bobotong Asan
  • Kakaliskisin ho natin, yan..
  • Matapos kaliskisan ang dalag, ikukuskos ito sa magaspang na bato para maalis ang lansa
  • Lalamasin sa asin at suka, pagkatapos tanggalan ng tinik.
  • Ang mga sangkap para sa Boneless Bobotong Asan,
  • Tinadtad na dahon ng Alagaw, kamyas at mga pampalasa.
  • pag-hahaluhaluin na natin ang ating tinadtad na ingredients.
  • Ilalatag ito sa kawali, at ipapalaman sa tiyan ng Dalag ang natira.
  • Pagkatapos, inapuyan!
  • Itong Bobotong Asan, ito ay napakasimpleng recipe
  • Tawag nga nila, recipe ng mga tamad.
  • Hindi ka na mag-gigisa, walang effort.
  • Kahit di ka marunong magluto.
  • Yung rekado niya, sinipsip ng laman ng isda.
  • Kasi wala nang tinik eh, puro laman na lang.
  • Hindi yan sa ano, sa lasa
  • Hindi pamilyar sa akin ang lasa nito pero, masarap siya.
  • Sa totoo lang, mas masarap ang mga pagkaing may buto.
  • Dahil ang lasa ng karne o laman,
  • Nakatago sa buto.
  • Pero para sa mga maseselan dyan, heto ang mga bubusog sa inyo.
  • Na hindi ninyo na kailangan pang paghirapan.

 

Learn Tagalog Online

Skype id :elaic.tagalog

https://sellfy.com/elaictagalog

Our Facebook page

 

 

 

Tagalog Online – Favo Royale ng Bulacan at Boneless Baked Lechon ng Iloilo

Favo Royale ng Bulacan at Boneless Baked Lechon ng Iloilo – Tagalog Online

  • Mas gusto ko itong brown. Yung brown mas okay, maganda ang kulay. Tapos pag lalagyan mo ng prutas, mas maganda yung brown.
  • Subalit and pabo, hindi raw pwedeng katayin agad. Kailangan daw kasing palipasin ng isang araw para mailabas nito ang dumi sa kanyang katawan.
  • Sa pagkatay naman ng pabo, kailangan daw hindi masira and ulo at leeg.
  • Kapag malinis na ang pabo, pwede nang i-marinate. At tsaka ito dahan-dahan na i-priprito hanggang maging golden brown. At pakukuluan sa tinimplahan tubig at butter sa loob ng tatlong (3) oras.
  • Ngunit bago ito ihain kailangan daw munang bihisan. Ang mga prutas, hindi lang ginawang ordinaryong garnish o palamuti, ginawa rin itong palamuting hikaw at kwintas ng pabo.
  • At para kumpleto and get-up ng pabo, isa-isa naman i-binalik ni Dez ang balahibo nito sa buntot.
  • “Katakam-takam talaga, gusto ko na syang kainin. Malambot yung laman niya, pati yung lasa masarap.”
  • Para kay Dez, ang masarap na pagkain hindi lang bumubusog sa panlasa, kumikiliti rin sa paningin.
  • Ang isa rin daw na espasyal na ini-hahanda raw noon ng lola ni Dez, ang Lengua Malolena, na ang side dish na mash potato, hugis bulkan!
  • Pinakuluan muna ang dila ng baka. Ang patatas inilaga rin, pagkatapos, dinurog. Ang pinaka importante raw talaga, presentation. Sunod itong pinalubutan ng mashed potatoes hanggang mag korteng bulkan.
  • Ang mga naluto namang lengua, ipinallibot sa paanan ng bulkan. Sino ba naman ang hindi gaganahan kung sa itsura pa lang, nakakatakam na!
  • Sa dami nang naimbento ng luto ng lechon, may bago pa raw ngayong humahabol. Dito sa Iloilo City, ang bagong inihahain ni Chef Bong, boneless baked lechon! Hindi katulad ng ibang boneless lechon na tiyan lang ang tinatangalan ng buto, ang boneless baked lechon ni Chef Bong, mano-manong inalisan ng buto ang buong lechon!
  • Matapos linisin at alisan ng lamang loob ang biik, tinangalan ito ng mga buto. “While you have to be very careful kasi kailangan nakasagad siya sa bone pagtangal para yung laman niya hindi nasisira. Lulutuin natin yung chorizo, lalagay natin yung rice natin.
  • Pinalamanan ng muros keta tustado, isang klase ng fried rice, at tsaka tinahi para maisara. Maya-maya lang i-binake ito sa oven sa loob nang tatlong oras.

 

Learn Tagalog Online

Skype id :elaic.tagalog

https://sellfy.com/elaictagalog

Our Facebook page

Link

Tagalog Online:

Kapuso Mo Jessica Soho featured the Philippine Arena

Link

 

 

Tagalog Online:

Food Cart Franchise Business Buko Madness Buko Shake in Jessica Soho

  • May natira pa ba sa inyong Christmas bonus at gusto ninyong magnegosyo?
  • Alamin ang mga affordable na franchise business na pwedeng pwede ninyong pasukin.
  • Isang patok na pina-franchise ngayon ang buko shake.
  • Ang complete franchise package ng negosyong ito ni Rodimer, mabibili lang sa halagang 25,000 pesos.
  • Kahit sino namang magtanong ng franchise pag sinabing “magkano franchise mo?”
  • Kapag sinabi mong 50,000 / 100,000 mahal na so parang nagbaback-out na.
  • So dito parang sabi niya, parang kaya ko to, so yun ang gusto naming mangyari, so lahat maka afford.
  • Mayo lang ng nakaraang taon sinimulan ni Rodimer ang kanyang buko shake franchise business na sa ngayon, umabot na sa 150 ang nagfranchise.
  • Heto yung para sa yelo at heto naman para sa buko.
  • Nagsasagawa rin sila ng training para sa mga nais abumili nito.
  • At para masiguro ang kalidad, Sina Rodimer daw mismo ang namimili ng buko meat na gagamitin ng kanilang franchisee sa Metro Manila.
  • So kailangan kasi, mala uhog siya para mas malasa yung buko pag shinake na siya.
  • Ang mga nabiling laman ng buko, hahati-hatiin sa mga franchisee na umorder.
  • Nilalagay ito sa cooler.
  • Sinisigurong napaligiran ng yelo para hindi masira sa biyahe.
  • So nilagay na natin yung yelo sa styro, lalagyan na lang natin siya ng yelo para ready to delivery na siya, para maprevent natin na mainitan siya kasi madali siyang masira.
  • Isa sa mga franchisee ng buko shake na ito ang single mother na si Maria.
  • Noong nabigyan daw siya ng force retirement noong nakaraang taon, dali-dali daw siyang naghanap ng murang franchise business.
  • Matagal akong nagtrabaho, 26 years, ang alam ko opisina bahay opisina bahay lang.
  • Siyempre wala akong alam na business, at iyon namang buko shake na nakita kong “in” ngayon na nakita ko namang madali lang siyang i-manage, sabi ko ito yata sige subukan ko, madali mukang madali naman kaya ako nag-franchise.
  • At sa loob lang ng dalawang buwan, bawing-bawi na raw ang kanyang 25,000 na puhunan.
  • Kumikita siya ngayon ng hanggang 2,500 pesos araw-araw.
  • Nakuha ko na yung ROI, return of investment. Income na to ngayon, profit na talaga kasi nabawi ko na eh, kahit papaano, kahit yung mga nabili kong mga gamit, naano ko na rin nakuha ko na rin.
  • Masarap! fresh na fresh.

 

Learn tagalog online

Skype id :elaic.tagalog

https://sellfy.com/elaictagalog

Or visit our Facebook Page

Link

Tagalog Online – Kapuso mo, Jessica Soho

Tagalog Online:

Jessica Soho Featuring Kakanin

  • Mangga, ube, mais, makapuno at tsokolate.
  • Bahagi na nga ng ating panlasa at kultura ang mga kakanin.
  • Masagana raw kasi tayo sa palay, at may malalawak ding niyugan.
  • The Philippines is a rice-eating culture.
  • Yung first foundation of rice culture is rice and water.
  • After that, nagkakaroon na ng discoveries, so you have rice, tapos yung gata, saka yung honey, bago dumating ang mga Kastila.
  • Sa Visayas, sikat ang kalamay ng Bohol, ang Moron ng Leyte at ang Baye-baye ng Bacolod.
  • Ang mga kapatid nating Muslim sa Mindanao, hindi pahuhuli sa kanilang mga meryenda gaya ng Amek, Pakbol, at Biakey.
  • Sa hitsura pa lang ng mga ito, tiyak nang matatakam ka.
  • Mapapaaya ng “Kain tayo!”
  • “Kain ta”, “Kain tayo!” sa mga salitang ito nagmula ang pangalan ng Cainta sa Rizal.
  • Ang itinuturing na “bibingka capital” ng Pilipinas.
  • Dito raw kasi unang ginawa ang Bibingka.
  • Itinuro ng mga Sepoy o Kilyan, na napadpad sa Cainta noon.
  • Pero ang bibingka ng taga Cainta, hindi katulad ng mga nakasanayan natin tuwing Pasko.
  • Sa halip na giniling na bigas, mga buong butil ng malagkit ang hinahaluan ng gata at asukal.
  • Ang resulta? mukhang biko.
  • Si Aling Kika, ang reyna sa likod ng sikat na sikat na “Aling Kika’s” ng Cainta.
  • Nagsimula lang daw si Aliing Kika sa paglalako ng dala-dalawang bilao ng bibingka.
  • Pero sa kanyang pagsisikap, dahang dahang nakilala at lumago ang kanyang tindahan.
  • Ito raw ang ipinampaaral niya sa siyam niyang anak.
  • Nobentay dos anyos na ngayon si aling Kika, pero ang kanyang kakanin, dekalidad pa rin!
  • “Dapat maraming gata at saka asukal na primera. Pati malagkit primera, puro primera gamit ko.
  • Si aling Kika ang inspirasyon ng mag-asawang Junior at Lorna.
  • Pangarap din nilang magkaroon ng sariling pagawaan ng kakanin.
  • “Biko, maha palitaw!”
  • Sa ngayon nagsisimula muna sila sa palako lako ng sari-saring kakanin.
  • “Kahit anong negosyong gagawin namin. Pandagdag din sa pagpapaayos ng bahay, sa kinabukasan ng mga bata”
  • Sa bawat hiwa ng Maha Blanka, o suman umaasa si Lorna na bukas, matitikman din niya ang tamis ng tagumpay.
  • Hindi simpleng lutuin ang ating mga kakanin, wala itong mga shortcut.
  • Pawis at pagod ang kailangan sa mga ito.
  • Kaya siguro, masarap!

 

 

Learn Tagalog Online

Skype id :elaic.tagalog

https://sellfy.com/elaictagalog

Our Facebook page

 

 

Madge Cafe, home of the best coffee in Iloilo – Tagalog Online Classes

Biyahe ni Drew

Tagalog Online:

Madge Cafe, home of the best coffee in Iloilo

  • May nakapagsabi sakin na masarap daw ang kape sa “Madge Cafe”
  • Ang Madge Cafe na matatagpuan sa loob din ng La Paz Market ang sikat na meeting place sa Ilo-ilo City mula pa noong 1951.
  • Native Coffee ang specialty nila dito at ang mas amazing pa ay kung paano nila ito inihahanda.
  • Ang barista animo’y nag-eexhibition pa.
  • So naghahanap ako ng isang coffee shop sa loob daw ng palengke, weird location but I guess it works!
  • Hello goodmorning!, Hi I’m Drew, hello!
  • Hi, I’m Pete
  • Nakikita ko pa lang yung mga newspaper post nyo sa billboard at ah, or sa bulletin board at mukhang medyo matagal tagal na rin yung Madge Cafe sir
  • Oo, almost 72 years
  • Seven what?
  • Seventy-two
  • Seventy-two years?
  • From my Lolo pa
  • How do you make your coffee? what kind of a..
  • Uhm, simple no flavorings, no added flavorings, we only use the raw beans tapos roast lang siya, gina-grind and then after that tinitimpla na. Then we only need the Colador and the kettle right? of course the hot boiling water.
  • We call this the base, right? that’s our base
  • Then cook position is, pan, the hot water at saka yung coffee powder.
  • Hot water and coffee powder
  • Yun lang, very simple siya talaga
  • This is the beer latte, strong latte
  • There you go, dark! Coffee is always part of my daily diet.
  • So paano magkakaroon ng personalized mug ang isang tao?
  • Consistent drinker talaga.
  • Kailangan bang there’s an X amount of time?
  • Verily, kase may, the purpose really is personalized, yung personal hygene right?
  • Hi!, not bad this coffee actually, It might have coffee mud, but its the same, same package o di ba?
  • Black coffee, freshly brewed, ako sobra akong mapili sa kape dahil, picky ako kung acidic kasi acidic ako eh.
  • Alam mo ang feeling ko, its beyond, the taste of coffee ng Madge Cafe.
  • Tingin ko yung, tradition? feeling ko dahil sobrang tagal na nitong place na ito. Nagmula pa sa tatay ng tatay ng owner.
  • Its actually the people, not just experiencing the coffee but what they do here, that’s what sets it apart.
  • Yung mga tipong nagme-meeting sila dito, yung tipong breakfast meeting, nagsasalo-salo nagkukwentuhan lang kasama yung kape, tingin ko yun yun eh, yun ang panalo dito, and I’m sure, 72 years? its the best thing in 72 years, ayusin lang nila ng konti ang lugar. Its gonna be the same old place of Madge Cafe! Cheers!
  • For 20 pesos, meron ka nang steaming cup of coffee.
  • Hope to see you again!
  • Yes!, thank you thank you!

Learn Tagalog Online

Skype id :elaic.tagalog

https://sellfy.com/elaictagalog

Our Facebook page

Link

Biyahe ni Drew:

Tagalog Online:

Animal encounters on a budget in Subic, Zambales

Drew: Ang next sa ating animal encounter’s adventure, ang Zoobic Zafari. Ang kaisa-isang tiger zafari sa bansa.

Drew: Swerte na namang may nakasabay ulit akong kids sa pagbisita ko rito.

Drew: Ang entrance fee dito ay 495 pesos per adults, at 395 naman para sa mga kids. Pero ang mga tickets pag nabili nyo online o sa internet, mayroon pa itong 10% discount.

Drew: Dalawamput limang ektarya ang sakop ng Zoobic Safari, hindi gaya ng mga hayop sa Zoo, hindi nakakulong ang mga hayop dito, kundi malaya silang, nakakagala sa tinatawag na simulated natural habitat

Drew: “Asawa ko, hawak-hawak yung mga anak”. Pero talagang pakay namin dito ay ang kanilang Tiger zafari, may dagdag na 200 pesos para masubukan ang venture na ito. Hindi lang tigre ang inyong makaka close encounter. kundi pati mga leon.

Drew: Sarap na sarap sila sa hilaw na manok! Kahit saan pa mag-landing ang manok, susundan ng mga gutom na tigre. “May pusa sa taas! bakit may pusa sa taas? sasabay sa atin papuntang manila yan!”

Drew: Ano Mr.Tiger? Di masarap ang kamera ano?

Drew: Matapos ang aming, tiger-rific experience! Sunod naming papasukin ang lion’s lair! Uh-oh! not the camera! ayan na! ayan na! o yan nako ayan na! para sa akin, mas pogi yung tiger eh

Drew: Enjoy magpakain ng leon at tigre di ba? Ngayon naman, isang kakaibang experience ang ipapasubok nila sa akin. Kung ano to, wait and see.

Drew: “Tingnan mo yun oh, ayun oh yung maliit!” Mamaya susubukan natin na palipatin yung nanay dito sa cage, para pwede nating lapitan yung Lion cub.

Drew: Sa wakas, lumipat narin si mommy lion sa kabilang cage. Malalapitan na natin ang lion cubs. “Nakikita nyo yung newly born, wala pang isang buwan, very rare! White Lion Cubs, swerte tayo dahil, well hindi to na ooffer to sa mga visitor at mga guest, well first time na bilang guest at nakalapit tayo sa mga lion cubs.. umaatras tong isa na to? Good news para sa inyo mga biyahero. I hope September yata o October, gagawin na nilang attraction tulad ng ginagawa nila sa mga tigers, pwede nang padedehin, pwede nang hawak-hawakan, pero ngayon inggit kayo dahil ako’y nanggigigil sa pusa na ito.

 

Skype id :elaic.tagalog

https://sellfy.com/elaictagalog

Link

Biyahe ni Drew

 

Tagalog Online

Where to Eat in Davao

Drew: Matapos magsaya at magpakapagod sa wakeboarding, kailangan patok ang hapunan!

Drew: Jack’s Ridge, Classic! pero we started featuring this place siguro mga.. seven to eight years ago so everytime na pumupunta kami dito sa Davao. Imposibleng di namin mafefeature to eh dahil, nakataas siya eh! (Ridge nga eh) and then we have this beautiful panoramic view of the City of Davao.

Drew: Ang isa sa masarap na kainan dito sa Jacks Ridge, ay ang Taklobo Restaurant. If you like grill specialties and lots of seafood, eto ang para sa inyo!

Drew: Dalawa ang indicators, na malalaman ninyo na sasabak ako sa isang malupit na food fest! Una! pag nakasuot ako ng sombrero at gaganyanin ko! Pangalawa, kapag nakayakap ako sa table. Paano naman ako di mapapayakap sa table, eh tingnan nyo naman ang mga pagkaing nasa harap ko. Okay! masarap to eh!

Drew: Ang menu natin for tonight? Inihaw na Tuna! Itlog ng isda o yung tinatawag nilang Bihod! Inihaw na Pusit? Seafood Supreme, at ang inihaw na isda, na kung tawagin ay Kitang! Oh kitang-kita ang gutom ko di ba?

Drew: It’s perfect because you got  really good grilled seafood, you got the view, and you got the music, okay yeah, and the picture takers.

Drew: Lahat ng grilled specialty na ito, less that 100 pesos lang per 100 grams lang ang presyo! pwede na! Ang Seafood Supreme naman, na may clams? hipon, tuna, at alimasag, ay 288 pesos lang!

** people singing and playing music **

Drew: Salamat kuya!

Drew: Kung mas budget meal pa ang hanap ninyo, subukan naman ang kainang “Balbacuahan sa Buhangin”

Crew: Balbacuahan yung balat ng baka?

Attendant: Oho, pwede po yung ano, merong bones, “oh magpunta kayo dito sa Davao, magtikim kayo ng aming masarap na Balbacua”

Drew: Sa halagang 30 pesos, meron ka nang isang mangkok ng masarap na Balbacua! Tiyak na mapapaorder ka ng extra rice baby!

Producer: Nagulat ako ha? kase masarap siya!


Drew: At kun di ka pa kuntento, meron silang mga inihaw o sinugba favorites na puwedeng pagpilian, and for dessert! sa labas ng restaurant, may naghihintay na fresh Durian! at sa halagang 35 pesos, pwede mo na itong pabuksan at at papakin! ng diretso, sa iyong sayo na!

 

Learn Tagalog Online

Skype id :elaic.tagalog

https://sellfy.com/elaictagalog

Our Facebook page

Ilan sa mga Katangian ng mga Pinoy – Tagalog Online Classes

 

Tagalog Online:

Hango sa balita ni Ms. Jessica Soho ang transcript sa baba.

Transcript ( first pa lang )

Dahil sa krisis na ating pinagdaanan , hindi daw uso ngayong Pasko yung mga magarbo o bonggang bonga . Pero dahil sa minsan lang sa isang taon ang Pasko at  kapanganakan namn ni HesuKristo , tuloy ang Pasko. Para-paraan lang ‘yan .

Tuwing Kapaskuhan, tradisyon na sa komedyante at single Mom na si Candy Pangilinan na palamutian ang kanyang bahay ng makukulay na Christmas decors . Halos kinalakhan na daw niya ang ganitong gawi dail noong bata pa siya , katuwang siya ng kanyang ina sa pag-aayos ng mga palamuti sa kanilang bahay .

Candy : Actually ang paggawa namin ng  decor, more than pinapaganda namin , na magkakasama kami. Even na ang mga kasambahay, meron silang input. “Mam, tingin ko hindi maganda ‘yan ‘ .

Jessica S: Madalas, bongga at magara raw ang kanilang dekorasyon . Pero sa taong ito , bilang pakikiramay na rin sa mga nasalanta ng super bagyong Yolanda , nagcost-cutting daw siya.

Para mas matipid sa ilaw, Christmas LED lights ang kanilang ginamit .

 

Candy: Aaminin natin, maliban sa kuryente, ang init. Minsan , ang ganda nga, ang liwanag ng bahay mo, pero habang kumakain ka, pawis, na pawis ka. Kasi ang init talaga.

 

Jessica: White silver and bronze ang nagninigning sa loob ng kanilang tahanan.

 

Candy: Lahat ng mga center piece , lahat yun ginagwa namin. Lahat ng mga garlands na nakikita mo diyan , kami ang gumawa . Pati ang mga decors na nakasabit sa Christmas tree . Pati ang mga ito, lahat kami ang gumagawa.  Ako nga pala ang gumawa ng bahay na ‘to. Ako ang nagtayo.

 

 

Likas na masayahin ang mga Pilipino . Hindi basta basta nawawalan ng pag-asa. Mahirap man ang sitwasyon ay masaya pa din,

Mapamaraan, ano lang ang meron ay kayang gawan ng paran para maging masaya.

Malakas ang loob ay isa din sa mga katangian ng mga Pinoy. Kaya naman hanga ang ibang lahi .

 

Learn Tagalog Online

Skype id :elaic.tagalog

https://sellfy.com/elaictagalog

Our Facebook page