Tag Archives: puto

Iba’t ibang kakanin sa Pilipinas

1142953572_1c3e8a5491Puto

Ang pinakapopular na kakanin ay putosteamed rice cake. Ito ay may iba’t ibang kulay at may sahog sa ibabaw. Maaaring keso, mantikilya, o itlog na maalat.

tumblr_lh7vw89nhH1qc2zn8o1_500Kutsinta

Ang Kutsinta ay isa sa mga paboritong pagkain ng mga Pilipino. Maaari itong lutuin sa bahay o kaya naman ay mabili sa mga naglalako o nagtitinda sa kalye. Kadalasan kasama itong inihahanda ng puto. Malagkit ito at may sahog sa ibabaw na ginadgad na niyog.

OLYMPUS DIGITAL CAMERABibingka

Ang bibingka ay isang uri ng mamon na gawa mula sa malagkit na bigas o galapong at gatas ng buko. Niluluto ito sa isang hurnuhang yari sa putik, pinaiinitan ng nagbabagang uling na nakapatong sa ibabaw ng lutuin. Iniihaw ito ng patung-patong. pinapahiran muna ito ng mantekilya at binubudburan ng asukal. Isinisilbi ito na may kasamang ginadgad na niyog.

954_large_yummy-pichi-pichiPichi pichi

Ang Pichi-Pichi ay isa sa mga paboritong panghimagas ng mga Pilipino. Ito ay gawa sa niyog at cassava o kamotang kahoy. Ito ay isa sa mga paboritong ihanda sa mga salu-salo o kahit sa mga ordinaryong araw lamang. Ang pagkaing ito ay nagmula sa probinsya ng Quezon.

536305933_1381826139Palitaw

Ang palitaw ay isang uri ng mamon sa Pilipinas na niluto mula sa malagkit na bigas, at hinaluan ng asukal budbod ng laman mula sa prutas ng puno ng buko. Tinawag itong palitaw dahil nang ilaglag ang mga likidong halo nito sa kumukulong tubig, lilitaw ito sa ibabaw.

images (2)Biko

Ang biko ay isang uri ng matamis na keyk na gawa mula sa bigas at gatas na buko.  Matatagpuan ito sa halos lahat ng hapag, lalo kapag may okasyon: Pista ng bayan, Paso, Araw ng mga patay, Mahal na araw, kaarawan, at iba pa.

espasolEspasol

Ang espasol ay isang uri ng manipis at mahaba o tubo ng matamis  mula sa Laguna. Gawa ito mula sa galapong, gatas ng buko, minatamisang ginadgad na laman ng buko, at binubudran ng tinustang galapong.

Ang mga ito ay ilan lamang sa mga kakanin sa Pilipinas dahil sa napakaraming uri ng kakanin dito.