Tag Archives: pinoy

Ilan sa mga Katangian ng mga Pinoy – Tagalog Online Classes

 

Tagalog Online:

Hango sa balita ni Ms. Jessica Soho ang transcript sa baba.

Transcript ( first pa lang )

Dahil sa krisis na ating pinagdaanan , hindi daw uso ngayong Pasko yung mga magarbo o bonggang bonga . Pero dahil sa minsan lang sa isang taon ang Pasko at  kapanganakan namn ni HesuKristo , tuloy ang Pasko. Para-paraan lang ‘yan .

Tuwing Kapaskuhan, tradisyon na sa komedyante at single Mom na si Candy Pangilinan na palamutian ang kanyang bahay ng makukulay na Christmas decors . Halos kinalakhan na daw niya ang ganitong gawi dail noong bata pa siya , katuwang siya ng kanyang ina sa pag-aayos ng mga palamuti sa kanilang bahay .

Candy : Actually ang paggawa namin ng  decor, more than pinapaganda namin , na magkakasama kami. Even na ang mga kasambahay, meron silang input. “Mam, tingin ko hindi maganda ‘yan ‘ .

Jessica S: Madalas, bongga at magara raw ang kanilang dekorasyon . Pero sa taong ito , bilang pakikiramay na rin sa mga nasalanta ng super bagyong Yolanda , nagcost-cutting daw siya.

Para mas matipid sa ilaw, Christmas LED lights ang kanilang ginamit .

 

Candy: Aaminin natin, maliban sa kuryente, ang init. Minsan , ang ganda nga, ang liwanag ng bahay mo, pero habang kumakain ka, pawis, na pawis ka. Kasi ang init talaga.

 

Jessica: White silver and bronze ang nagninigning sa loob ng kanilang tahanan.

 

Candy: Lahat ng mga center piece , lahat yun ginagwa namin. Lahat ng mga garlands na nakikita mo diyan , kami ang gumawa . Pati ang mga decors na nakasabit sa Christmas tree . Pati ang mga ito, lahat kami ang gumagawa.  Ako nga pala ang gumawa ng bahay na ‘to. Ako ang nagtayo.

 

 

Likas na masayahin ang mga Pilipino . Hindi basta basta nawawalan ng pag-asa. Mahirap man ang sitwasyon ay masaya pa din,

Mapamaraan, ano lang ang meron ay kayang gawan ng paran para maging masaya.

Malakas ang loob ay isa din sa mga katangian ng mga Pinoy. Kaya naman hanga ang ibang lahi .

 

Learn Tagalog Online

Skype id :elaic.tagalog

https://sellfy.com/elaictagalog

Our Facebook page

Iba’t ibang kakanin sa Pilipinas

1142953572_1c3e8a5491Puto

Ang pinakapopular na kakanin ay putosteamed rice cake. Ito ay may iba’t ibang kulay at may sahog sa ibabaw. Maaaring keso, mantikilya, o itlog na maalat.

tumblr_lh7vw89nhH1qc2zn8o1_500Kutsinta

Ang Kutsinta ay isa sa mga paboritong pagkain ng mga Pilipino. Maaari itong lutuin sa bahay o kaya naman ay mabili sa mga naglalako o nagtitinda sa kalye. Kadalasan kasama itong inihahanda ng puto. Malagkit ito at may sahog sa ibabaw na ginadgad na niyog.

OLYMPUS DIGITAL CAMERABibingka

Ang bibingka ay isang uri ng mamon na gawa mula sa malagkit na bigas o galapong at gatas ng buko. Niluluto ito sa isang hurnuhang yari sa putik, pinaiinitan ng nagbabagang uling na nakapatong sa ibabaw ng lutuin. Iniihaw ito ng patung-patong. pinapahiran muna ito ng mantekilya at binubudburan ng asukal. Isinisilbi ito na may kasamang ginadgad na niyog.

954_large_yummy-pichi-pichiPichi pichi

Ang Pichi-Pichi ay isa sa mga paboritong panghimagas ng mga Pilipino. Ito ay gawa sa niyog at cassava o kamotang kahoy. Ito ay isa sa mga paboritong ihanda sa mga salu-salo o kahit sa mga ordinaryong araw lamang. Ang pagkaing ito ay nagmula sa probinsya ng Quezon.

536305933_1381826139Palitaw

Ang palitaw ay isang uri ng mamon sa Pilipinas na niluto mula sa malagkit na bigas, at hinaluan ng asukal budbod ng laman mula sa prutas ng puno ng buko. Tinawag itong palitaw dahil nang ilaglag ang mga likidong halo nito sa kumukulong tubig, lilitaw ito sa ibabaw.

images (2)Biko

Ang biko ay isang uri ng matamis na keyk na gawa mula sa bigas at gatas na buko.  Matatagpuan ito sa halos lahat ng hapag, lalo kapag may okasyon: Pista ng bayan, Paso, Araw ng mga patay, Mahal na araw, kaarawan, at iba pa.

espasolEspasol

Ang espasol ay isang uri ng manipis at mahaba o tubo ng matamis  mula sa Laguna. Gawa ito mula sa galapong, gatas ng buko, minatamisang ginadgad na laman ng buko, at binubudran ng tinustang galapong.

Ang mga ito ay ilan lamang sa mga kakanin sa Pilipinas dahil sa napakaraming uri ng kakanin dito.