Tag Archives: kakanin

Link

Tagalog Online – Kapuso mo, Jessica Soho

Tagalog Online:

Jessica Soho Featuring Kakanin

  • Mangga, ube, mais, makapuno at tsokolate.
  • Bahagi na nga ng ating panlasa at kultura ang mga kakanin.
  • Masagana raw kasi tayo sa palay, at may malalawak ding niyugan.
  • The Philippines is a rice-eating culture.
  • Yung first foundation of rice culture is rice and water.
  • After that, nagkakaroon na ng discoveries, so you have rice, tapos yung gata, saka yung honey, bago dumating ang mga Kastila.
  • Sa Visayas, sikat ang kalamay ng Bohol, ang Moron ng Leyte at ang Baye-baye ng Bacolod.
  • Ang mga kapatid nating Muslim sa Mindanao, hindi pahuhuli sa kanilang mga meryenda gaya ng Amek, Pakbol, at Biakey.
  • Sa hitsura pa lang ng mga ito, tiyak nang matatakam ka.
  • Mapapaaya ng “Kain tayo!”
  • “Kain ta”, “Kain tayo!” sa mga salitang ito nagmula ang pangalan ng Cainta sa Rizal.
  • Ang itinuturing na “bibingka capital” ng Pilipinas.
  • Dito raw kasi unang ginawa ang Bibingka.
  • Itinuro ng mga Sepoy o Kilyan, na napadpad sa Cainta noon.
  • Pero ang bibingka ng taga Cainta, hindi katulad ng mga nakasanayan natin tuwing Pasko.
  • Sa halip na giniling na bigas, mga buong butil ng malagkit ang hinahaluan ng gata at asukal.
  • Ang resulta? mukhang biko.
  • Si Aling Kika, ang reyna sa likod ng sikat na sikat na “Aling Kika’s” ng Cainta.
  • Nagsimula lang daw si Aliing Kika sa paglalako ng dala-dalawang bilao ng bibingka.
  • Pero sa kanyang pagsisikap, dahang dahang nakilala at lumago ang kanyang tindahan.
  • Ito raw ang ipinampaaral niya sa siyam niyang anak.
  • Nobentay dos anyos na ngayon si aling Kika, pero ang kanyang kakanin, dekalidad pa rin!
  • “Dapat maraming gata at saka asukal na primera. Pati malagkit primera, puro primera gamit ko.
  • Si aling Kika ang inspirasyon ng mag-asawang Junior at Lorna.
  • Pangarap din nilang magkaroon ng sariling pagawaan ng kakanin.
  • “Biko, maha palitaw!”
  • Sa ngayon nagsisimula muna sila sa palako lako ng sari-saring kakanin.
  • “Kahit anong negosyong gagawin namin. Pandagdag din sa pagpapaayos ng bahay, sa kinabukasan ng mga bata”
  • Sa bawat hiwa ng Maha Blanka, o suman umaasa si Lorna na bukas, matitikman din niya ang tamis ng tagumpay.
  • Hindi simpleng lutuin ang ating mga kakanin, wala itong mga shortcut.
  • Pawis at pagod ang kailangan sa mga ito.
  • Kaya siguro, masarap!

 

 

Learn Tagalog Online

Skype id :elaic.tagalog

https://sellfy.com/elaictagalog

Our Facebook page

 

 

Iba’t ibang kakanin sa Pilipinas

1142953572_1c3e8a5491Puto

Ang pinakapopular na kakanin ay putosteamed rice cake. Ito ay may iba’t ibang kulay at may sahog sa ibabaw. Maaaring keso, mantikilya, o itlog na maalat.

tumblr_lh7vw89nhH1qc2zn8o1_500Kutsinta

Ang Kutsinta ay isa sa mga paboritong pagkain ng mga Pilipino. Maaari itong lutuin sa bahay o kaya naman ay mabili sa mga naglalako o nagtitinda sa kalye. Kadalasan kasama itong inihahanda ng puto. Malagkit ito at may sahog sa ibabaw na ginadgad na niyog.

OLYMPUS DIGITAL CAMERABibingka

Ang bibingka ay isang uri ng mamon na gawa mula sa malagkit na bigas o galapong at gatas ng buko. Niluluto ito sa isang hurnuhang yari sa putik, pinaiinitan ng nagbabagang uling na nakapatong sa ibabaw ng lutuin. Iniihaw ito ng patung-patong. pinapahiran muna ito ng mantekilya at binubudburan ng asukal. Isinisilbi ito na may kasamang ginadgad na niyog.

954_large_yummy-pichi-pichiPichi pichi

Ang Pichi-Pichi ay isa sa mga paboritong panghimagas ng mga Pilipino. Ito ay gawa sa niyog at cassava o kamotang kahoy. Ito ay isa sa mga paboritong ihanda sa mga salu-salo o kahit sa mga ordinaryong araw lamang. Ang pagkaing ito ay nagmula sa probinsya ng Quezon.

536305933_1381826139Palitaw

Ang palitaw ay isang uri ng mamon sa Pilipinas na niluto mula sa malagkit na bigas, at hinaluan ng asukal budbod ng laman mula sa prutas ng puno ng buko. Tinawag itong palitaw dahil nang ilaglag ang mga likidong halo nito sa kumukulong tubig, lilitaw ito sa ibabaw.

images (2)Biko

Ang biko ay isang uri ng matamis na keyk na gawa mula sa bigas at gatas na buko.  Matatagpuan ito sa halos lahat ng hapag, lalo kapag may okasyon: Pista ng bayan, Paso, Araw ng mga patay, Mahal na araw, kaarawan, at iba pa.

espasolEspasol

Ang espasol ay isang uri ng manipis at mahaba o tubo ng matamis  mula sa Laguna. Gawa ito mula sa galapong, gatas ng buko, minatamisang ginadgad na laman ng buko, at binubudran ng tinustang galapong.

Ang mga ito ay ilan lamang sa mga kakanin sa Pilipinas dahil sa napakaraming uri ng kakanin dito.