Tagalog / Filipino Vocabulary
( i-witness/ kawayang pangarap)
Kawayang Pangarap
- Dalawang oras ang lakaran paakyat sa gubat
- kung saan tumutubo ang mga kawayan.
- Karamihan sa mga Ita sa Zambales pagbibenta ng mga tinabas na kawayan ang kinagisnang pangkabuhayan.
- Walang ibang trabaho si tatay Joseph kaya gaano man katarik ang akyatin kailangan niya itong tiisin.
- Habang nagtatabas ng kawayan si tatay joseph abala naman sa pagtatali ng mga naipong mga kawayan ang tatlong anak na babae.
- Si Mauwe labindalawang taong gulang ang pinakamaliit sa kanilang tatlo pero handa siyang magtrabaho gaano man kabigat ang pasan.
- Sa aming likuran pilit namang binuhat ni tatay Joseph ang isang tali ng kawayan halos makuba siya sa dami ng pasan
- .Pero sa gitna ng paglalakad ,anemic at kulang sa dugo si tatay Joseph pero hindi niya ito pinapagamot
- hindi kasama sa prayoridad ng pamilya ang pagpapa ospital.
- Makalipas ang kalahating oras narating naming ang kalagitnaan ng bundok,
- malayo pa kami sa takdang bilang ng kawayan kaya napilitan ng mga bata na mag pasan muli.
- Masakit na ang aming mga balikat ngunit hindi pa umabot ang aming bilang akala naming pwede na kaming magpahinga
- pero hindi pa pala kailangan naming pasanin muli ang kawayan at ibaba sa mala bangin na paanan ng bundok.
Sadyang walang mabigat at walang matarik sa taong naghahabol ng panaginip.
Phrases :
kawayan – bamboo
Gawa sa kawayan ang bahay nila. Their house is made of bamboo.
Maraming kawayan malapit sa bahay namin. There are so many bamboos near our house.
tumutubo – growing
Hindi ata tumutubo ang buhok mo. I think your hair isnt growing.
Maraming saging ang tumutubo sa bakuran. There are lost of banana growing in the yard.
balikat- shoulder
Kita ang balikat mo sa damit na iyan. Your shoulder is exposed in that cloth.
Ilagay sa balikat mo ang kahon. Put the box/ carry on your shoulder.
pasanin – carry the load
Maraming pasanain sa buhay niya. she has lots of load in life.
Pasanin sa kanya ang maysakit na kapatid. It is a load/ burden to her, her sick sibling.
masakit – hurt/ pain , ache
Masakit ang tiyan ko. My stomach is aching.
Masakit ka sa ulo. You are a headache.
Live classes with our expert tutorial contact us at
skype id : elaic.tagalog
mobile # +639330114275