Tag Archives: dessert

Link

Biyahe ni Drew:

 

Silvanas from Dumaguete

  • At kung may oras ka pa, kahit 15 minutes lang
  • Bili ka naman ng kahit konting pasalubong sa mga naghihintay sayo sa bahay
  • The famous Silvanas ng Sans Rival Cakes and Pastries na mahahanap mo lang talaga dito sa Dumaguete.
  • Very distinct yang box na yan eh
  • White? tapos non sky blue
  • Alam mo na yan na, Uy! pasalubong yan galing Dumaguete.
  • Bakit nga ba sumikat ito?
  • Well, personally speaking
  • Ang tagal ko nang kinakain ito, sobrang tagal na.
  • Iba yung texture nya eh. okay?
  • Of course its very buttery!
  • Fine! high in fat pero minsan.
  • Well hindi mo naman parati kakainin to di ba?
  • Ito yung ika nga, Guilty Pleasure!
  • Na its really worth it na pag manggagaling sa Dumaguete.
  • For personal consumption or syempre, perfect for pasalubong.
  • Now let me taste it so you can taste it also.
  • Kita nyo yon?
  • Pag kagat mo, may lumalabas na filling
  • Such a classic, Classic dessert!
  • Now kapag mag uwi kayo neto, mahaba ang buhay neto.
  • Basta’t sundan nyo lang ang nakasulat sa box.
  • “Please keep in freezer.”
  • One time, One time, sa sobrang naadik ako dito?
  • Ang dami ko sa freezer.
  • For a fact na umabot ng isang taon.
  • Wala na akong malagay na karne, for a fact!
  • Pero, think about it!
  • Sa halagang 125 pesos per box.
  • Wow anu ba ito, TV commercial?
  • No really 125 pesos per box? 10 pieces
  • You get to taste, ang masarap na pasalubong ng Dumaguete.
  • Warning! pag pupunta kayo sa Dumaguete?
  • Baka you have to think twice.
  • Na sasabihin nyo sa mga kaibigan nyo.
  • Na pupunta kayo sa Dumaguete.
  • Dahil siguradong magpapabili sila ng Silvanas!
  • So its up to you!
  • Pwede rin secret.
  • Ooops! wag natin ipakita to sa nanay at tatay ko.

 

Learn Tagalog Online

 

NEW! Bisayan learning materials are now available

Tagalog/Filipino learning materials are hereYou can also buy direct from us.

Visit our Facebook page

Skype id :elaic.tagalog

 

Iba’t ibang kakanin sa Pilipinas

1142953572_1c3e8a5491Puto

Ang pinakapopular na kakanin ay putosteamed rice cake. Ito ay may iba’t ibang kulay at may sahog sa ibabaw. Maaaring keso, mantikilya, o itlog na maalat.

tumblr_lh7vw89nhH1qc2zn8o1_500Kutsinta

Ang Kutsinta ay isa sa mga paboritong pagkain ng mga Pilipino. Maaari itong lutuin sa bahay o kaya naman ay mabili sa mga naglalako o nagtitinda sa kalye. Kadalasan kasama itong inihahanda ng puto. Malagkit ito at may sahog sa ibabaw na ginadgad na niyog.

OLYMPUS DIGITAL CAMERABibingka

Ang bibingka ay isang uri ng mamon na gawa mula sa malagkit na bigas o galapong at gatas ng buko. Niluluto ito sa isang hurnuhang yari sa putik, pinaiinitan ng nagbabagang uling na nakapatong sa ibabaw ng lutuin. Iniihaw ito ng patung-patong. pinapahiran muna ito ng mantekilya at binubudburan ng asukal. Isinisilbi ito na may kasamang ginadgad na niyog.

954_large_yummy-pichi-pichiPichi pichi

Ang Pichi-Pichi ay isa sa mga paboritong panghimagas ng mga Pilipino. Ito ay gawa sa niyog at cassava o kamotang kahoy. Ito ay isa sa mga paboritong ihanda sa mga salu-salo o kahit sa mga ordinaryong araw lamang. Ang pagkaing ito ay nagmula sa probinsya ng Quezon.

536305933_1381826139Palitaw

Ang palitaw ay isang uri ng mamon sa Pilipinas na niluto mula sa malagkit na bigas, at hinaluan ng asukal budbod ng laman mula sa prutas ng puno ng buko. Tinawag itong palitaw dahil nang ilaglag ang mga likidong halo nito sa kumukulong tubig, lilitaw ito sa ibabaw.

images (2)Biko

Ang biko ay isang uri ng matamis na keyk na gawa mula sa bigas at gatas na buko.  Matatagpuan ito sa halos lahat ng hapag, lalo kapag may okasyon: Pista ng bayan, Paso, Araw ng mga patay, Mahal na araw, kaarawan, at iba pa.

espasolEspasol

Ang espasol ay isang uri ng manipis at mahaba o tubo ng matamis  mula sa Laguna. Gawa ito mula sa galapong, gatas ng buko, minatamisang ginadgad na laman ng buko, at binubudran ng tinustang galapong.

Ang mga ito ay ilan lamang sa mga kakanin sa Pilipinas dahil sa napakaraming uri ng kakanin dito.