Tagalog / Filipino Reading TV Show
Tagalog / Filipino Reading TV Show is a transcript of the video clip for the learners to learn some Tagalog conversational expressions.
Student of Elementary School in Dapitan Zamboanga
- Ang pagpasok sa skwela para sa mga mag aaral ng Oro Elementary School sa Dapitan City Zamboanga, Del Norte.Buwis Buhay,
- Alas 6 palang ng umaga sa paanan ng Bundok Oro sa Zamboanga Del norte pumipila sila papasok sa eskwela.
- Ang mga nalagpasang nila ay patikim pa lamang dahil may Buwis buhay pang naghihintay sa kanila sa Pangpang .
- Para mas madali nilang maakyat ang Bundok, kailangan nilang tanggalin ang kanilang mga suot na tsinelas.
- At isa-isa na silang nagsimula at nag akyatan na parang mga Gagamba at kanya kanyang hawak .
- At ang kanilang inaapakan ay mga maliliit na bato.
- Bagama’t napakatarik ng kanilang aakyatin parang minamani na lamang nila ito.
- Kung ang pag akyat sa bundok ay malaking hamon ganon din ang pagbaba.
- Sabay na sinusuong ito ng onse anyos na si Ivy at ang kanyang Ina na si Aida Day Care teacher sa Oro Elementary School.
- Sa parting kanilang inaakyatan minsan na raw malagay ang buhay ni Ivy sa bingit ng kamatayan.
- Na trauma raw si Ivy sa karanasang iyon at binalak niyang wag nang tapusin ang kanyang pagaaral.
- At dahil pursigido siyang makapagtapos nilabanan niya ang takot at ito siya muli tinatahak ang daan papasok sa skwela.
- Maya maya pa ang dalawang oras ng hirap sa pag akyat napalitan ng tuwa nung narating nila ang tuktok ng Bangin.
- Bukod kasi sa angkin ganda ng Dapitan Bay ay hudyat na rin daw ito na malapit na silang makarating sa kanilang eswelahan.
- Pag sapit ng alas otso ng umaga sa wakas nakarating na rin sila.
paanan ng bundok-base/ foot of the mountain
tanggalin-take it
gagamba-spider
bukod-aside from
akayatin-climb it
karanasan-experience
napalitan-changed
makapagtapos-to finished
nilabanan-struggle
naghihintay-waited
tuktok ng bundok-peak of the mountain
binalak-plan
patikim-taste
kailangan nating tanggalin-we need to take it away