Daily Archives: June 6, 2016

Get, get aw! Siargao! Surfing | KMJS

 

Tagalog-Filipino Grammar

 

Get, get aw! Siargao! Surfing | KMJS

  • Sa malamang, naunahan pa tayo ng mga dayuhan sa pagdiskubre sa ganda ng Siargao.
  • Naroon kasi sila para sa nagtataasang mga alon.
  • Pero kung hindi ito ang trip mo.
  • There’s more to discover in the country’s surfing capital.
  • Kapag sinabing nasa cloud nine ka, para ka nang nasa langit.
  • Pero dito sa Siargao, sa probinsiya ng Surigao del Norte.
  • Ang binansagang Cloud 9, nasa lupa at karagatan.
  • Sa lakas at laki kasi ng “Bayod” o alon na dala ng hangin sa bahaging ito ng isla, perfect na surfing spot.
  • Heaven para sa mga surfer.
  • Ang mga nangangalit na alon ng pacific ocean, ang naglagay sa mapa ng Siargao bilang surfing mecca ng Mindanao.
  • Pero alam nyo ba na kaya cloud nine ang ipinangalan dito, parang humuhugis nuwebe kasi ang mga alon.
  • Bukod sa mga higanteng alon, may iba pang dinarayo rito.
  • Isa’t kalahating oras mula sa bayan ng General Luna.
  • Naghihintay ang Magpupungko Beach kung saan ang buhangin, kulay krema.
  • Hango ang Magpupungko sa salitang Surigaonon na ang ibig sabihin, magkapatong.
  • May dalawang malaking bato kasi rito na magkapatong sa gilid ng dagat.
  • Nakatago rito ang isang swimming pool sa gilid ng dagat.
  • Na lumalabas lang tuwing low tide.
  • Kalikasan mismo ang lumikha nito.
  • Sa linaw ng tidal pool, kitang kita ang lalim.
  • Dahil sa naggagandahang puwede ritong mag cliff diving.
  • Bago mag dekada otsenta, ang tanging naipagmamalaki ng Siargao, ang White sand beach.
  • Hanggang nadiskubre ang potensiyal nito sa surfing.

 

Filipino Vocabulary Words:

Nagtataasan – Towering/rising

   –  Maraming mga nagtataasang ang mga gusali sa Maynila.

       – There are lots of towering buildings in Manila.

Lakas – Strong/Intense

  – Malakas ang bagyong dadating

        – The incoming hurricane will be strong.

Binansagan – So called

  – Kalapati ang binansagang “Simbolo ng kapayapaan”

        – A dove is so called a “symbol of peace”.

Higante – Giant/Gigantic

– May nakita kaming higanteng balyena kanina malapit sa isla

        – We saw a gigantic whale near the island earlier.

Nakatago – Hidden

  – Nakatagong mabuti ang pitaka.

       –  The purse is well hidden 

Kalikasan – Nature

– Kapag nilinis ng kalikasan ang kanyang sarili.

        – When nature cleans itself.

 

 

The unlimited goodness of crab dishes | KMJS

 

Tagalog Filipino Grammar:

 

The Unlimited Goodness of Crab Dishes | KMJS

  • Paborito ito ng marami sa atin.
  • Kahit pa sa totoo lang, may kahirapan itong kainin.
  • At di ka gaanong mabubusog.
  • Hindi madaling maghimay.
  • Pero ang sarap ng Alimango, nakasisipit
  • Mga alimango lover dyan.
  • Tiyak, heaven para sa inyo ang restaurant na ito sa Quezon City.
  • Ang kanila kasing paandar, “Crab all you can!”
  • Seafoods daw talaga ang specialty ng kainang ito.
  • Na pagmamay-ari ng magkakaibigang Erika, Bonet, Rene at Abby.
  • Pero dahil marami daw sa kanilang mga costumer bitin sa pagkain ng
    Alimango, naisipan nilang magpa “unli” crab!
  • “Nagkaroon kami ng Customer feedback almost lahat po ng customer namin,
    why not daw magserve kami ng unli crabs”
  • At dahil sa pakulo nilang ito, araw-araw umaabot sa mahigit isang daan
    kilo ng alimango ang nauubos dito.
  • “Yung mga crabs namin, mostly galing part of Malabon, minsan Zamboanga,
    then denideliver sa amin yun ng early in the morning so we can prepare the
    crabs for service.”
  • Mula alas-onse ng umaga hanggang alas diyes ng gabi, pwede ritong kumain
    ng Alimango.
  • Unlimited sa halagang 699 pesos! kada tao.
  • One to sawa kung gusto mo.
  • Kasama ang espesyal na sawsawan na kung tawagin nila, “Sukang Panalo”
  • Siyempre, Hindi puwede rito kumain na nakakubyertos.
  • Kada order ng Alimango, may kasamang bato at sangkalan para mas madali
    mong mahimay ang mga sipit.
  • “699 kasi ayan, nakita ko sa labas, akala ko maliit lang yung crab. Dito
    malaki so, sulit ka na.”
  • Sa bayan ng Santa Cruz, sa probinsiya ng Marinduque.
  • May isang uri ng alimango na kung tawagin nila, “Bigoy”
  • Pero “adik-adik naman” para sa mga taga Quezon province.
  • Pirmi kasing mapupula ang mga mata nito, itim ang shell at ang mga sipit.
  • Naghahalong violet at orange.
  • Masarap daw ito, nakaka “high”
  • Si aling Julie, Dalawampung taon nang nagpapandaw o nanghuhuli ng adik-
    adik.
  • “Bata pa lang ako, yung mga magulang ko, yan ang naging hanapbuhay
    hanggang sa lumaki ako at nagka asawa, bale yun din ang naging hanapbuhay
    ng asawa ko. Pati ako yun na rin, naging magkatulong kaming dalawa”
  • Tinatawag po itong “Palbog”
  • Ang pain po nito ay sariwang isda. Pagka lumalaki na yung tubig, saka pa
    lamang pumapasok ang adik-adik.
  • Kapag lumiliit na yung tubig, dun pa lang namin siya kukunin, may huli na
    ito.
  • Kada umaga, dumadayo sila sa “Lalao” o bakawanan.
  • Matapos kong maiumang ang palbog, babalikan ko yan makalipas ang limang
    oras.
  • Kapag lowtide na, kukunin na natin ang palbog. Dalawa –
  • Maingat niya itong inipit gamit ang kanyang paa at saka tinalian.
  • Araw-araw nakakahuli si aling Julie ng hindi bababa sa sampung kilo nito
    na naibebenta niya sa halagang 30 pesos kada tali.
  • Dun na namin nakukuha yung sa pang araw-araw naming gastusin at saka yung
    pambaon ng aking anak.
  • Ang paborito nilang luto rito, sinilihang adik-adik.
  • Pinakuluan muna ni Julia ang mga alimango at saka hinango nang mamula-mula
    na ito.
  • Naggisa siya ng luya, bawang, siling labuyo at oyster sauce. nilagyan niya
    ito ng asukal.
  • “Ilalagay na natin ang bigoy o adik-adik”
  • Nanunuot ang tamis at anghang, the best papakin.
  • Tama lang po ang anghang nito.
  • Malinamnam talaga ang lasa nito.
  • Kakaadik ito sa sarap.
  • Pero kung gusto ninyo itong ulamin, puwede raw dagdagan ng gata.
  • Para masmasarap, purong gata ang gamitin.
  • “Lasang Chicken curry, Talagang yumming yummy!”
  • Ang ibat ibang bansa, may kanya kanyang specialty.

 

Vocabulary Words:

Alimango – Crab

Kainin – To eat

Sawsawan- sauce/gravy

kubyertos – utensils

Masarap – Delicious

Hanapbuhay – occupation

Maingat – careful

Benta – to sell

Malinamnam – Tasty

Ulam – viand