Monthly Archives: June 2016

Tagalog / Filipino Course : ‘Kamote Coal’

Tagalog / Filipino Course : ‘ Kamote Coal’ 

Through I- Witness by : Howie Severino

Tagalog / Filipino Course

 

I-Witness: ‘Kamote Coal,’ dokumentaryo ni Howie Severino

Tagalog / Filipino Course  May alamat sa Bicol tungkol sa isang napakagandang babaeng napatay si Daragang Magayong.   Unti unting umusbong ang kanyang libingan.  Ngayon halos kahit saan ka  magpunta sa probinsya ng Albay matatanaw mo ito.   Tila nagbabantay.  Ngunit may isang lugar sa probinsya na hindi na naabot tanaw ni Daragang Magayong.   May iba pa kasing likas na yaman sa islang ito.  Ngunit matatawag nga bang biyaya ang panggatong na napakamapinsala sa mundo.  Biyaya na parang hinuhukay na parang kamote.  Sa makikitid at madilim na butas, sa ilalim ng lupa.  Binubuo ng 3 Isla ang Bayan ng Rapu-rapu sa Albay. (Guininyan Island, Batan Island at Rapu rapu Island).   Hindi pa ako nakakatapak sa lupa sa Isla ng Batan ng may matagpuan akong kakaibang hayop.  Anong klaseng isda ito?  Alam nyo? Ha, ano siya? Sino kayang nakakaalam nito? May mangigisda ba dyan?  Ito nahuli ko siya. Ito si Ate oh! Fish, Fish Dealer yan.  Maribel, anong pangarang kaa?  Anong klaseng isda ito?  Kinakain ba to?  Ahas sa Dagat.  Ahas sa Dagat. Ahas ito? Ahas sa Dagat.  Kinakain siya?  Hindi. Kaya pala iniwan lang doon.  Tingnan mo nahuli siya. Nabingwit sya oh!  Ahas ito?   Nalaman ko sa pagsusuri, hindi pala siya ahas kundi isang moray eel.   Hudyat kaya ito ng iba pang mga hindi inaasahang makikita.  Tulad din ng maliliit na Isla dati ang Batan.  Pangingisda ang panibagong kabuhayan.  Ngayon, wala ng kasaganahan ang karagatan dito.  Bukod tangi sa Batan ang ipinalit na hanapbuhay sa pangigisda. Tao po. Ikaw ba si  Ronald, Opo. huh?  Kamusta? Howie Severino.  Galing sa Pamilya ng mangigisda si Ronald Borehon, 20 taong gulang.   Napilitan din siyang itigil ito.  Kaunti na nga ang huli.  So, mahirap ba ang buhay dito?  Mahirap po sir. (RONALD BOREJON – Minero ng Coal)  Bakit?  Yun nga, pag wala kang… kapag maulan di ka makakapagtrabaho sa Minahan.  Anong ginagawa ng mga tao?  Wala, walang magawa.   Sinamahan ako ni Ronald sa kanyang trabaho.  Ano to? Ano itong nasa sako?  Ito na yung tabon, nilagay na sa sako.  Ahh! hahakutin na  Ah, ito na yung produkto nila sa araw na to? Oo, dami pala.  Carbon ang alam nila sa tinatawag ng iba.

TAGALOG WORDS:

Hindi pa ako nakakatapak sa lupa –  I haven’t stepped on the ground yet

Hindi na naabot tanaw – not to reach back

Bukod tangi – unique

Hinuhukay – digging

Hudyat  – sign / password

Libingan – grave

Likas na yaman – natural resources

Karagatan – ocean

Kasaganahan – prosperity

Mangingisda – fisherman

Nabingwit – hooked

Panggatong – firewood

Pagsusuri – review

Sinamahan –  accompanied

 

PHRASES

Hindi pa ako nakakatapak sa lupa –  I haven’t stepped on the ground yet

Hindi na naabot tanaw – not to reach back

Panibagong kabuhayan  – new economy

Sa makikitid at madilim na butas – narrow and dark hole

 

Biyahe ni Drew: Drew Arellano’s South Cotabato food trip

Tagalog Filipino Grammar

Biyahe ni Drew: Drew Arellano’s South Cotabato food trip

  • As for me, ang simple joy ko ay makakain ng masarap! yun lang naman.
  • At sa Lake Sebu, gustong-gusto ko ang main ingredient nila sa mga ulam.
  • The catch of the day, este ulam of the day ay – Tilapya.
  • Medyo over naman sa simle joy ko ang labin-limang tilapia dishes.
  • But of course, laban kung laban !
  • We will play a little game called, “Name that Tilapya”
  • Actually, hindi ko rin alam kung ano ang pangalan ng Tilapia dish na to and I’m sure, hindi nyo rin po alam.
  • Unahin natin sa Kilawing Tilapia.
  • Check, Nilatila Tilapya, Sinigang na Tilapia.
  • Kakaiba ang sinigang na Tilapia nila dito, may pakwan!
  • Kaya siguradong magiging manamis-namis ang lasa nito.
  • Isa ring masabaw na recipe dito sa lake Sebu ang laswa na Tilapya.
  • Tilapya fingers! Crispy Tilapya!
  • Kung hindi nyo naman hilig kumain ng Tilapya sa buong biyahe ninyo sa South Cotabato.
  • May charming restaurant sa Coronadal City na naghahain ng iba’t-ibang putahe.
  • Tuwing alas-kuwatro ng hapon hanggang alas otso ng gabi, buy-one-take-one ang pizza rito.
  • Sa halagang 150 Pesos, dalawang Pizza na ang puwede ninyong paghati-hatian.
  • With a price range of 100 to 200 Pesos per dish, kasya ang isang serving sa apat na tao!Indulge!
  • Sisig Tilapya, Inihaw na Tilapya, Pinaputok na Tilapya, Daing na Tilapya.
  • Sizzling Tilapya, Tilapyang Chicharon! Sweet and sour Tilapya, Im on a roll biyaheros!
  • Pero sa dami ng tilapya dishes na hindi ko mahulaan, buti pa tikman ko na lang.
  • Ginataang Tilapya, Sweet and Spicy Tilapya.
  • Kaya pala color yellow siya, Busado Tilapya, Tempurang Tilapya.
  • Oh yeah, welcome to taste, nothing beats fried, lalagyan mo alang sweet and spicy sauce, panalo, lalagyan mo ng Japanese sauce na may Soy sauce nga, panalo
  • Maganda sigurong i-order mo na lang lahat no?

 

Tagalog Vocabulary Words

Gustong-gusto – really like/love

    Gustong-gusto kong pumunta sa Tagaytay.

   – I would really love to go to Tagaytay.

 

Kakaiba – Different/Unique

– Madalas akong makinig sa kakaibang musika.

  – I frequently listen to unique music.

 

Manamis-namis – Sweet taste

– Tamang lamang ang manamis-namis na timpla

 – A  bit of sweet taste that’s just about right.

 

Mahulaan – guess

 – Hindi ko mahulaan kung ano ang iniisip mo.

 – I can’t seem to guess what you’re thinking.

 

Pinoy’s Pride Chicken

 

Pinoy’s Pride Chicken

Kapuso Mo, Jessica Soho

 Tayong mga Pilipino may love affair sa Fried Chicken.  Pruweba rito ang naglipanang fast food na puro pritong manok ang ibinibenta.  Pinoy Pride.  Pinoy Fried Chicken.

  Wala raw forever pero kung pagbabasihan ang love affair nating mga Pilipino  sa manok akala lang nila wala pero meron, meron, meron. Mapaprito, inihaw o  Lechon.  Tayong mga Pilipino first love yata ang pagkain ng manok kaya nga bawat probinsya may maituturing na Fried Chicken.

 Ang ipinagmamalaking luto ng manok ng mga Boholano matatagpuan sa Carmen, Bohol.  Ana Tany’s Fried Chicken.  Welcome to Tany’s Native Fried Chicken in House.  Ang kanila raw na piniprito ay Native na manok.  Tinanggalan muna ng balahibo ang manok.  Inalisan ng atay, paa at ulo.  Tapos nating linisin itong native chicken lalagyan na natin  ng pampalasa.  Tinimplahan ng asin, toyo, suka, bawang at paminta pagkatapos nating i-marinate ang chicken ilagay natin sa kaldero para pakuluin ng isang oras.  Pagkatapos ng isang oras, hinango at prinito hanggang nagging golden brown.  Kada piraso p280-550 depende sa laki.  Chicken nila is soft at hindi malangsa.  Mmm, nami!  Taong 1978 nung magsimula ang Karenderia ni Crisanta Espejo Bunao o mas kilala bilang Aling Tany.  Personal daw siyang bumibili ng Bisayang Manok sa kanilang mga kakilala pati narin ng ilang pampalasa at nung ginawa ang sarili nilang beryson ng Fried Chicken, doon na rin sila nagumpisang maging institusyon sa buong probinsya ng Bohol.  Dahil hindi nagkaanak si Aling Tany, inampon niya ang panglimang anak ng kanyang kapatid na si Roselle ng 3 taong gulang pa lamang.  Si Roselle na ngayon ang namamahala ngayong ng kanilang manukan.  Maliit lang yung tindahan namin.  Yung mga customer hindi gaya ngayon.  Sa ngayon na Ma’am, marami ng nagpunta doon at dahile Fried chicken ang binabalikbalikan dito mula sa Tany’s Carenderia pinalitan niya ito at ginawa niya itong Tany’s Fried Chicken House.   (ROSELLE COLUMNAS – may-ari ng Tany’s Fried

Chicken House.

                   Siguro, nasarapan yung mga tao  kasi iba yung native iba yung sa Broiler.  Dito na raw tuluyang lumaki at nakilala ang kanilang pritong manok sa bayan ng Carmen dahil dito, si Roselle marami ng naipundar.  Basta  peak season 30-50 siguro yung araw araw katayin namin.  Nakabili kami ng palayan,  siguro yun mga 2 heactares. Nakapagpaaral kami sa mga bata tapos sasakyan.

  Paano nga ba masisiguro masarap ang inyong bibilhan o kakainan.  Simple lang kung may mahabang pila.  Sa mga naghahanap na masarap na Lechong Manok, biyahe na sa Talamban, Cebu.

 Pero tiyagaan bago mo ito matikman,  Sa dami kasing gusting bumili nito, aabutin ka raw ng siyam siyam sa paghihintay.  Ang mga customer binibigyan pa ng numero sa pila para sa Joule’s Lechon Manok.  Mga Ilang minutes na kayong naghihintay?  Almost 30 minutes na siguro.  Juicy chicken.  Kahit may pila, masarap naman yng lasa.  Juicy, crispy and masarap siya.   Sulit ang paghihintay sa Joule’s kasi masarap, malutong at juicy.  Ang kanilang recipe ay nagmula pa raw sa lolo ni Joules.  Piling pili ang manok pati na rin ang mga sangkap.  Matapos timplahan ng secret spices, tinuhog ang mga manok at isa isang nilitson.  Nagsimula po ito noong 1996 galing ito sa lolo ko tapos ipinasa sa Father ko who conceptualizes this Business. (JOULE  FEROLINO –Manager, Joule’s Lechon Manok).  Pagmamalaki pa nila ang kanilang Lechon Manok masarap kahit walang sarsa.  Binabalikbalikan itong Chicken na to kasi because of the juiciness of it and then the freshness of the chicken.  Dalawa lang ang pwesto ng Joule’s Lechon Manok mula nung sila’y nagsimula taong 1996.  Nasa tabi ito ng mga kalsada madaling makita, sundan mo lang ang usok at ang pila.

 Sa DAU, PAMPANGA umuusok din ang labanan.   Ang mga Lechong Manok kasi rito, tapatan.  Isa sa sinasabing Pioneer  ang Victor’s Barbecue & Lechon Manok.  Nagsimula ito karton lang na tinutulak.  Pangalan ng asawa ko hindi talaga Victor yan.  (HELEN REYES –  may-ari ng Victor’s Barbecue & Lechon Manok) Tinanong siya ng mga customer kung anong pangalan niya, sabi niya DIC.  As in DIC eh akala ng mga customer VIC  dinugtungan ng TOR.

Ang katapat ng Victor’s ay ang Edwin’s Lechon Manok.

Tayong mga Pilipino may love affair sa Fried Chicken.  Pruweba rito ang naglipanang fast food na puro pritong manok ang ibinibenta.  Pinoy Pride.  Pinoy Fried Chicken.

  Wala raw forever pero kung pagbabasihan ang love affair nating mga Pilipino  sa manok akala lang nila wala pero meron, meron, meron. Mapaprito, inihaw o  Lechon.  Tayong mga Pilipino first love yata ang pagkain ng manok kaya nga bawat probinsya may maituturing na Fried Chicken.

 Ang ipinagmamalaking luto ng manok ng mga Boholano matatagpuan sa Carmen, Bohol.  Ana Tany’s Fried Chicken.  Welcome to Tany’s Native Fried Chicken in House.  Ang kanila raw na piniprito ay Native na manok.  Tinanggalan muna ng balahibo ang manok.  Inalisan ng atay, paa at ulo.  Tapos nating linisin itong native chicken lalagyan na natin  ng pampalasa.  Tinimplahan ng asin, toyo, suka, bawang at paminta pagkatapos nating i-marinate ang chicken ilagay natin sa kaldero para pakuluin ng isang oras.  Pagkatapos ng isang oras, hinango at prinito hanggang nagging golden brown.  Kada piraso p280-550 depende sa laki.  Chicken nila is soft at hindi malangsa.  Mmm, nami!  Taong 1978 nung magsimula ang Karenderia ni Crisanta Espejo Bunao o mas kilala bilang Aling Tany.  Personal daw siyang bumibili ng Bisayang Manok sa kanilang mga kakilala pati narin ng ilang pampalasa at nung ginawa ang sarili nilang beryson ng Fried Chicken, doon na rin sila nagumpisang maging institusyon sa buong probinsya ng Bohol.  Dahil hindi nagkaanak si Aling Tany, inampon niya ang panglimang anak ng kanyang kapatid na si Roselle ng 3 taong gulang pa lamang.  Si Roselle na ngayon ang namamahala ngayong ng kanilang manukan.  Maliit lang yung tindahan namin.  Yung mga customer hindi gaya ngayon.  Sa ngayon na Ma’am, marami ng nagpunta doon at dahile Fried chicken ang binabalikbalikan dito mula sa Tany’s Carenderia pinalitan niya ito at ginawa niya itong Tany’s Fried Chicken House.   (ROSELLE COLUMNAS – may-ari ng Tany’s Fried

Chicken House).

 Siguro, nasarapan yung mga tao  kasi iba yung native iba yung sa Broiler.  Dito na raw tuluyang lumaki at nakilala ang kanilang pritong manok sa bayan ng Carmen dahil dito, si Roselle marami ng naipundar.  Basta  peak season 30-50 siguro yung araw araw katayin namin.  Nakabili kami ng palayan,  siguro yun mga 2 heactares. Nakapagpaaral kami sa mga bata tapos sasakyan.

 Paano nga ba masisiguro masarap ang inyong bibilhan o kakainan.  Simple lang kung may mahabang pila.  Sa mga naghahanap na masarap na Lechong Manok, biyahe na sa Talamban, Cebu.

 Pero tiyagaan bago mo ito matikman,  Sa dami kasing gusting bumili nito, aabutin ka raw ng siyam siyam sa paghihintay.  Ang mga customer binibigyan pa ng numero sa pila para sa Joule’s Lechon Manok.  Mga Ilang minutes na kayong naghihintay?  Almost 30 minutes na siguro.  Juicy chicken.  Kahit may pila, masarap naman yng lasa.  Juicy, crispy and masarap siya.   Sulit ang paghihintay sa Joule’s kasi masarap, malutong at juicy.  Ang kanilang recipe ay nagmula pa raw sa lolo ni Joules.  Piling pili ang manok pati na rin ang mga sangkap.  Matapos timplahan ng secret spices, tinuhog ang mga manok at isa isang nilitson.  Nagsimula po ito noong 1996 galing ito sa lolo ko tapos ipinasa sa Father ko who conceptualizes this Business. (JOULE  FEROLINO –Manager, Joule’s Lechon Manok).  Pagmamalaki pa nila ang kanilang Lechon Manok masarap kahit walang sarsa.  Binabalikbalikan itong Chicken na to kasi because of the juiciness of it and then the freshness of the chicken.  Dalawa lang ang pwesto ng Joule’s Lechon Manok mula nung sila’y nagsimula taong 1996.  Nasa tabi ito ng mga kalsada madaling makita, sundan mo lang ang usok at ang pila.

  Sa DAU, PAMPANGA umuusok din ang labanan.   Ang mga Lechong Manok kasi rito, tapatan.  Isa sa sinasabing Pioneer  ang Victor’s Barbecue & Lechon Manok.  Nagsimula ito karton lang na tinutulak.  Pangalan ng asawa ko hindi talaga Victor yan.  (HELEN REYES –  may-ari ng Victor’s Barbecue & Lechon Manok) Tinanong siya ng mga customer kung anong pangalan niya, sabi niya DIC.  As in DIC eh akala ng mga customer VIC  dinugtungan ng TOR.

Ang katapat ng Victor’s ay ang Edwin’s Lechon Manok.

Tagalog word/phrases

Pritong manok- Fried chicken 

Namamahala- manage, ruling

Masarap- delicious

Malutong- crunchy, crispy

Pagmamalaki- pride

Nakilala- recognized

daming gustong bumili- many wants to buy

piling-pili- a selection

pangpalasa- seasoning

masisiguro- guarantee

Tagalog / Filipino Reading TV Show

Tagalog / Filipino Reading TV Show

Tagalog / Filipino Reading TV Show is a transcript of the video clip for the learners to learn some Tagalog conversational expressions.

Student of  Elementary School in Dapitan Zamboanga

  • Ang pagpasok sa skwela para sa mga mag aaral ng Oro Elementary School sa Dapitan City Zamboanga, Del Norte.Buwis Buhay,
  • Alas 6 palang ng umaga sa paanan ng Bundok  Oro sa Zamboanga Del norte pumipila sila papasok sa eskwela.
  • Ang mga nalagpasang nila ay patikim pa lamang dahil may Buwis buhay pang naghihintay sa kanila sa Pangpang .
  • Para mas madali nilang maakyat ang Bundok, kailangan nilang tanggalin ang kanilang mga suot na tsinelas.
  • At isa-isa na silang nagsimula at nag akyatan na parang mga Gagamba at kanya kanyang hawak .
  • At ang kanilang inaapakan ay mga maliliit na bato.
  • Bagama’t napakatarik ng kanilang aakyatin parang minamani na lamang nila ito.
  • Kung ang pag akyat sa bundok ay malaking hamon ganon din ang pagbaba.
  • Sabay na sinusuong ito ng onse anyos na si Ivy at ang kanyang Ina na si Aida Day Care teacher sa Oro Elementary School.
  • Sa parting kanilang inaakyatan minsan na raw malagay ang buhay ni Ivy sa bingit ng kamatayan.
  • Na trauma raw si Ivy sa karanasang iyon at binalak niyang wag nang tapusin ang kanyang pagaaral.
  • At dahil pursigido siyang makapagtapos nilabanan niya ang takot at ito siya muli tinatahak ang daan papasok sa skwela.
  • Maya maya pa ang dalawang oras ng hirap sa pag akyat napalitan ng tuwa nung narating nila ang tuktok ng Bangin.
  • Bukod kasi sa angkin ganda ng Dapitan Bay ay hudyat na rin daw ito na malapit na silang makarating sa kanilang eswelahan.
  • Pag sapit ng alas otso ng umaga sa wakas nakarating na rin sila.

paanan ng bundok-base/ foot  of the mountain

       tanggalin-take it        

      gagamba-spider                    

     bukod-aside from

       akayatin-climb it    

      karanasan-experience                 

        napalitan-changed    

      makapagtapos-to finished

        nilabanan-struggle    

    naghihintay-waited

        tuktok ng bundok-peak of the mountain

        binalak-plan        

         patikim-taste

         kailangan nating tanggalin-we need to take it away  

Unusual yet yummy recipes of the good ol’ Sinigang | KMJS

Tagalog Filipino Grammar

 

Unusual yet yummy recipes of the good ol’ Sinigang

  • Sino ba naman ang may ayaw ng? SINIGANG!
  • Lahat tayo, ito ang paborito
  • Hindi bale nang magkakaiba ang pang-asim at rekado.
  • May nauusong paandar ngayon sa mga thread o comments sa facebook.
  • Maski walang kinalaman sa paksa,
  • Walang kung ano-ano bigla na lang may nagkokomento at nagtuturo kung paano magluto ng sinigang.
  • At talaga namang career
  • Dahil wala akong ma comment, tuturuan ko na lang kayong magluto ng sinigang.
  • Step bt step talaga ang nakasulat na proseso
  • at dahil hashtag (#) patola kami, in other words pala-patol.
  • Puwes sa gabing ito, tuturuan namin kayo.
  • Hindi lang ng ordinaryong sinigang, kundi mga kakaibang sinigang!
  • Ang una nating itatampok, ang best seller ng restaurant na ito.
  • Sinigang na Corned Beef?
  • Paglilinaw ni Chef Claudette, hindi yung mga delatang corned beef
    ang kanilang ginagamit.
  • Kundi buong beef na “cured”
  • Yung nag-umpisa nito, yung Executive Chef namin, Si Chef Ricky Pacheco
  • Nagseserve kami ng Corned beef guisado
  • Nang hinayang siya sa pinag brine ng sabaw so inilabas namin ito sa sidebar, tapos ginawa naming Corned beef sinigang.
  • Noong una hindi raw pinapansin ng mga customer, ang kanilang sinigang na corned beef.
  • Pero nang madiskubre daw ng kanilang mga suki na malasa ang corned beef kesa sa baboy, naging best seller na ito.
  • Ang difference yung kulay, na iba siya dahil corned siya
  • Parang East meets west.
  • Ang mga ingredients, Kampo o beef flank, pink salt o prague salt, asin, brown sugar, pulanbg sibuyas, bawang, siling haba, kangkong, Labanos, kamatis,
    talong, okra at paminta.
  • Gumawa muna si Chef ng cured o brine solution.
  • Yung brine solution, siya yung nagpapapula ng karne and at the same time, nagpepreserve ng karne
  • Sunod na pinakuluan ang pink salt, brown sugar, sibuyas at bawang
  • Importanteng malusang ang yung asin at asukal para yung flavor nila, magsamasama.
  • Pinalamig at saka ibinabad dito ang meat.
  • Sa loob ng three to five days, pag na cure na ang beef. Ilagay ito sa isang kaldero, pakuluan.
  • Pag kumulo na siya at malambot na yung karne, Ihahalo na natin ang pampaasim.
  • Ilagay ang sampalok at mga gulay.
  • Malalasahan mo talaga yung super lambot at napakasarap
  • Tamang tama lang ang asim niya.
  • Akala ko ito yung shredded na nasa lata, hindi pala
  • Ang sinigang nating mga Pilipino, pinaniniwalaang hango sa Malaysian dish na “Singgang”
  • Dito sa atin, mga tagalog ang sinasabing nag-umpisa nito, sari-saring gulay ang puwedeng ilagay sa sinigang.
  • At ang kalimitang nagbibigay dito ng lapot, — gabi.
  • Pero ang mga kapampangan, hindi gabi ang ginagamit na pampalapot kundi, Ube!
  • Ito ang sinigang sa Ube.
  • Ang mga sangkap, karne ng baboy, patis, katas ng sampalok, sibuyas, kamatis, labanos, kangkong, siling-haba, talong, sitaw, asin, paminta, at siyempre ang
    ube.
  • Ilagay sa kumukulong tubig ang karne ng baboy.
  • Kanina nagpalambot na tayo ng ube, ngayon imamash natin siya.
  • Pag malambot na ang karne ng baboy, ilalagay na natin yung ube.
  • Sunod na inilagay ang asin, patis, sampalok, sibuyas, kamatis.
  • At saka mga gulay.
  • Medyo malapot po na matamis na maasim.
  • Ang restaurant na ito sa Pampanga, ipinangalan kay Abe Cruz, gourmet, writer, at ama ng restaurateur na si Larry J. Cruz.
  • Matitikman dito ang “Sinigang sa Ube”
  • Sinigang Ube nagstart siya sa dun sa May-ari, kasi nakatikim siya ng Vietnamese soup na may ube tapos dun sila nagkaroon ng idea na gumawa na version ng
    Pilipino na sinigang sa ube.
  • Pinaghalong sarap ng pagkaing hapon at pagkaing Pilipino ang matitikman naman dito sa Makati.
  • Ang “Kurobuta Sinigang” Hindi lang ordinaryong baboy ang gamit kundi yung tinatawag na Kurobuta.
  • Kung sa atin yung lokal na karne ng baboy, mas medyo matigas yung ano nya, ito naman kurobuta, mas tender juicy ang laman talaga.
  • Hindi kagaya ng nakasanayan nating pagluluto ng sinigang, mas mabusisi ang pagluluto ng Kurobuta Sinigang.
  • Kung wala tayong makitang imported na Japanese Kurobuta, pwede rin po tayong gumamit ng lokal na karne, kailangan malambot lang yun po.
  • Imenarinade ang karne ng halos isang buong araw sa Coriander o wansoy, Lemon grass o tanglad, pinatuyong dahon ng Rosemary–isang herb, patis, paminta, asin
    at kalamansi.
  • Pagkatapos imarinade, inilagay sa oven.
  • Ilalagay natin sa temperature na 375 degree fahrenheit.
  • Lulutuin natin siya ng one and a half hour.
  • Pinakuluan ang sibuyas, coriander o wansoy, asin, paminta, at ang iba pang sikretong pampalasa, pagkatapos pinakuluan ito ng tatlo hanggang limang oras.
  • And ito, very flavorful na kasi siya tapos, malapot din siya, unlike the usual na nakasanayan natin na malabnaw na sinigang.
  • Kung ang nakasanayan nating sinigang, sa sabaw pa lang talo-talo na, ibahin nyo ang sinigang na ito, wala itong sabaw!
  • Sa mga nagtatanong, kung bakit nagkaganito ang sinigang
  • Ang sagot, malalasahan daw sa kanilang “Paella”
  • Ito ang “Sinigang Paella” topped with Grilled Liempo and Crispy Kangkong.
  • Naisip ko one time, why not subukan gumawa ng iba ibang klaseng Paella na may temang Pilipino.
  • Una kong sinubukan sa aking pamilya so yung mga anak ko kasi is sobrang hilig sa sinigang, so ang natural na nanalo is Sinigang Paella.
  • Para sa Sinigang na Paella, nagprepare muna kami ng tradisyunal na sinigang.
  • Dito walang shortcut, kailangan gumawa ka ng sinigang from scratch.
  • Lahat ng ingredients dapat kumpleto.
  • And then from there, umpisahan na natin ang pagluto ng sinigang na Paella.
  • Para naman sa Paella, iginisa ang sibuyas at kamatis, pagkatapos ang bigas.
  • Para lang kayong nagluluto ng tradisyunal na Paella.
  • Igisa muna ang bigas hanggang medyo lumabo ang kanyang kulay.
  • Maya-maya lang, puwede nang ibuhos ang sinigang broth at mga gulay nito.
  • Pagkaluto, ipinan-toppings ang inihaw na Liempo at Crispy Kangkong.
  • I like the taste, the flavor is really different from others.
  • Parang hindi siya sinigang pero may asim.
  • O hayan ah, simple lang naman ang pagluto ng sinigang, kaya wag na ito isawsaw sa mga facebook thread.
  • Kumain na lang tayo ng sinigang at baka, Gutom lang yan!

 

Vocabulary Words:

Malambot – Soft

Magluto – To cook

Paglilinaw – Clarify

Malasa – Tasty

Kumukulo – Boiling

Nag-umpisa – Began

Palambot – to soften

Malalasahan – To taste

 

 

Kapuso Mo, Jessica Soho: Mga sabaw na swak sa tag-ulan!

        Tapos na ang mga maliligayang araw ng tag-init.  Tag-ulan na naman.  Masarap humigop ng mainit na sabaw.  Pag-asa na mismo ang nagdeklara.  Pumasok na tayo sa panahon ng tag-ulan.  Kapag ganitong malamig ang panahon,  may sasarap pa ba sa  paghigop ng mainit na sabaw.  Sa bayan ng Lazi sa Siquijor, paborito nilang sabaw mula sa Lauyang Manok.

 Lauya ang tawag sa proseso ng pagluluto ng native na manok sa gata at paglalagay ng napakaraming sangkap at pampalasa.  Parang Chicken Curry pero kapag natikman, maglalaro sa bibig ang lasa ng dahon ng  tanglad, dahon ng sibuyas, sibuyas, luya at pulang bell pepper.  Ang bisaya na manok  namian kaayo basta, igor igor ang sabaw sa tuno nimo na lubi  Ang Recipe ng Lauyang Manok.  Ilang dekada na raw nagpapainit ng sikmura ng mga taga Siquijor.  Ang niluto kong Lauyang na manok dito ko nakat-on sa akong Mama. Kainin sa tag-ulan.  Isinangkutsa ang manok, nilagay ang unang piga ng gata o ang kakang gata kasama ang tanglad, sanib o local na basil at asin.   Hinalo sa loob ng 5 minuto. Nilagay ang pangalawang piga ng gata. Malinamnam, matamis tamis.  Mas mabango yung Basil Leaf nagging mas mabango ngayong naluto na yung Lauya. 

Sa Cavite naman ang pinagmamalaki nilang sabaw  tunog banyaga man pamilyar naman sa ating lahat, Miswa na may meatballs.  ALMONDIGAS.  Almondigas is meatballs in Spanish.  From wayback, ang Almondigas ay niluluto ng mga lola usually pag rainy season.  Inilagay ang broth at ang hiniwang patola.  Ilalagay na natin sa kumukulong hugas bigas ang ating pork meatballs.  Pagkakulo hinalo ang bola bola o meatballs  Tinimplahan ng patis at paminta at tsaka inilagay ang miswa.  Masarap siya malasahan mo talaga yung karne ng manok at tsaka tinapa.  Perfect siya para sa tag-ulan.

Masasabi mong institusyon ang isang pagkain ng isang probinsya kapag kadikit na nito ang pangalan ng lugar.  Katulad na lang sa CALACA sa BATANGAS.  Ang dinarayo doong pagkain lalo na lumalamig na ang klima.  Umuusok usok pang Loming Batangas.  Malapot ang sabaw nito, makapal ang noodles o miki na mas pinasasarap ng chicharon.  Ang Lomihan sa MADALUNOT tiyagaan daw bago  mo mahanap pero talaga naming dinarayo ito.  Ito po ang Lomihan sa Madalunot.  Tuloy po kayo.

Dahil sa manamisnamis nitong lasa kumpara sa ordinaryong lomiang noodles kasi imbes na flat, pabilog.   Sa dami ng lano;ang Parokyano,       kaya raw nilang umubos ng 5 sakong harina para sa kanilang noodles.  Eh, naisipan naming mag-asawa na wala kaming kikitain kya naisipan naming mag-aral ng isang negosyo.  2002 ng magsimula akong maglomi.  Nagsikap akong matutuhan ang PANCIT MIKI.  NENITA EGUIA ( Nagluluto ng Lomi).   Ako na mismo ang gumagawa ng Product naming ito sapul ng magtayo ako ng lomihan.   Una po nating ilalagay ay ang pork stock.  Tinimplahan ng asin, paminta at toyo.  Pag nakita po nating kumukulo na ang pork stock sa kawali ilalagay na po natin ang homemade pancit na Madalunot.  Inilagay ang kanilang home made noodles sunod na nilagyan ng cassava flour  ang  Lomi.   Nilagyan ng atay, karneng baboy at home made na chicharon.  Malinamnam at mapapansin mo ang pagiging saucy niya ma malapot.    Ang tradisyonal na pagluluto ng lomi sa Batangas impluwensya raw ng Tsino na si To Kim Eng. Dahil marami raw nasarapan sa kanyang lomi umusbong ang pagluluto at pagbebenta nito sa buong probinsya ng Batangas.   Ang Original daw  na Lomi Recipe ni To Kim Eng  ay matitikman pa rin magpahanggang ngayon sa Lipa.  Mayroon itong manok, beef, kikiam at seafood.  Ang tawag nila rito,  Super Lomi.  Ang Super Lomi  kumbaga yun ang Loaded na Lomi.  Iginisa ang sibuyas,  nilagay ang carrots at cabbage.  Sinabawan ng broth.  Inilagay ang kanilang home made miki at nilagyan ng itlog, tinimplahan ng toyo pinalapot ng cassava mixture.  Pinakuluan, at tsaka inilagay ang kikiam, pusit, hipon, chicken at beef.  Wala ka nang hahanapin pa.  Nagflourish na noon sa buong Batangas yung lomi.  Hindi rin dun natatapos kumbaga itinuro pa niya sa iba kung papaano magluto ng lomi. 

Mula Batanagas, magside trip sa Tagaytay.   Kung saan sa Restaturant na ito  mahigit dalawampung klase ng mga All Time Favorite nating sabaw ang matitikman ang BULALO.

May Kimchi Bulalo, Bulalo Steak, Sizzling Bulalo at marami pang iba.  Tiyak, ikaw ang susuko.  Isa sa sekreto dawn g malinamnam na Bulalo  ang tagal na pagpapalulo sa buto at edad ng karne ng baka pero kung ang tipikal na Bulalo karaniwang mais, repolyo, pechay at patatas ang sahog.    Ang Bulalong Tagaytay, mayroon ding okra, kalabasa, malunggay at luya.  Pinakuluan muna ang Bulalo o Beef Shang at Bone Marrow hanggang lumambot.  Pinagsama sama ang kalabasa, mais, okra at luya at tsaka ng dahon ng malunggay.  Ngayong malambot na po ang ating mga gulay una po nating ilagay ang Bulalo.  Kadalasan may mga customer kami na bakit hindi daw kam gumawa ng Spicy Bulalo tapos gusto namin na makilala siya  as Bulalo Capital dahil  doon nga sa napakarami naming dish ARNOLD CRUZAT (nagluluto ng Bulalo).   Pero ang Bulalo sa Bayan ng Larena sa Siquijor, may gata at ang perfect view raw para sa paghigop nito nasa ibabaw ng Burol.  Kung san kitang kita ang Probinsiya ng Negros, Bohol at Cebu.  Perfect siya sa tag-ulan kasi mainit ang sabaw tsaka creamy lalo nat pag yung malakas ang ulan.  Doon mo siya mafifee; na masarap ang Bulalo. Sabi ni (DOMINADOR LAGARE ) nagluluto ng Ginataang Bulalo.

Sa paghahanda nito, iginisa ang luya.  Inilagay ang baka nilagayan ng red bellpepper, siling pangsigang, repolyo at ang gata.  Medyo may tamis, medyo may, may gata talaga malalasa mo.  Napakasarap ng Bulalo. Kakaiba siya sa ibang  Bulalo na natikman ko and perfect siya sa taglamig. 

                   Isa pa sa pinakaclassic na sabaw ng Pilipino pwdeng pang-almusal.Tanghalian, meryenda  o hapunan,  GOTO.  Sa Naguilan, La Union ang kanilang Goto pwedeng ideliver sa iyo ng buong Gotohan ng mismo.   And Multicab kasi ginawa nilang gotohan.   Ito ang GOTOLITO.  Ang may pakulo nito si BETH.  Simula raw ng siya’y nabiyuda siya na ang bumuhay sa kanyang 2 anak at dahil pinupuri daw talaga ang kanyang lutong goto  naisipan niyang magtayo ng Gotohan.   Nag-isip ako  Pwede rin palang gawing negosyo ito and trinay ko marami ang nagkagusto, tinuloy-tuloy ko na.  (LILIBETH CALDERON) may-ari ng goto.   Sa loob ng isang araw, kumikita raw siya ng halos P1,500- P 2,000.  Talagang tubong lugaw.  Nagpupursige akong makaipon para sa mga anak ko.  Para mapatapos ko. Sabi ng anak ko gusto niya daw magpari yung isa  Masarap din siya kasi mas lalo na ngayong tag-ulan tapos hindi siya tulad ng ibang goto na bibili ka pa ng itlog, tokwa’t baboy.  Ito kasi, kumpleto na siya.  Ang pagpapak ng ulam, masarap sabayan ng mainit na sabaw.  Kapag nainitan ang sikmura, mas gaganda ang pakiramdam.

TAGALOG WORDS OR PHRASAL VERBS

NAGPUPURSIGE –  PERSEVERANCE

TUNONG LUGAW – TOO MUCH PROFIT

ULAM – VIAND

KUMBAGA – AS A MATTER OF FACT

UMUSBONG – SPROUT

SANGKAP – INGREDIENTS

KADALASAN – FREQUENCY

MALINAMNAM – DELICIOUS

SAPUL – EVERSINCE

IMBES – INSTEAD

 

 

The goodness of Philippine exotic fruits – KMJS

 

Tagalog Filipino Grammar

 

The goodness of Philippine  exotic fruits

  • Mamula-mula at magaspang ang balat.
  • Kapag binuksan, malalasap ang itinatago nitong sarap, Lychee o Lichiyas.
  • Karaniwang galing China o Thailand ang mga Lychee sa merkado.
  • Pero alam nyo bang halos apat na taon na palang may mga punong namumunga ng Lychee sa bayan ng Adams sa Ilocos norte.
  • Taong 2004 nagsimulang taniman ng Lychee ang farm na ito.
  • Ang halos limampung mga puno, may dalawang variety.
  • Ang “Mauritius Lychee” na galing pa raw sa Apayao at sa Thailand at ang kanilang “UPLB” na ipinangalan mismo sa pinanggalingan nito.
  • Ang university of the Philippines Los Baños.
  • Kumpara sa Mauritius variety, mas matamis at matingkad ang pagkapula ng UPLB lychee at mas maliit ang mga buto nito.
  • Nasa mataas na lugar ang bayan ng Adams.
  • Malamig ang klima kaya mas madali raw ditong magparami ng Lychee.
  • Pero inabot ng walong taon bago namunga ang mga puno.
  • At sa taong ito, pinaka-hitik daw, ang mga bunga.
  • Murang-mura ang mga presyo ng Lychee sa farm na ito.
  • One hundred pesos lang, one to sawa ang puwede mong kainin.
  • Heto ang nakakatuwa, hindi lang ito masarap papakin,
  • Masarap din daw, ipang sigang?
  • Nagpakulo ng tubig, nilagyan ng sibuyas, kamatis at luya.
  • Tinimplahan ng asin, noong nadurog ang kamatis, inilagay ang tilapya.
  • Isinunod ang Lichiyas o Lychee, at siling haba.
  • Heto na ang sinigang na tilapya, with lychee.
  • Mahilig sa prutas si Dr. Roberto Coronel.
  • Mahilig din siyang mangolekta ng iba’t-ibang exotic fruits.
  • Sa kanyang farm sa Laguna, halos two hundred fifty na klase ng prutas ang kanyang tanim.
  • At marami sa mga ito, hindi pa natin naririnig.
  • Yambu, Huani, at Miracle Fruit.
  • Pro ang ipinagmamalaki niyang prutas na in-season ngayon, pangalan pa lang daw, malinamnam na. “Namnam”.
  • Legume tutad ng peanut, ang fruit nito ay malalaki at parang empanada.
  • Ang mga nagpupunta sa farm ang tawag sa kanya is Empanada fruit.
  • Kulay berde at medyo pahaba, ang balat nito, nahahawig sa ampalaya pero ang palaman parang Abokado.
  • Nagmula raw ito sa Malaysia at matatagpuan din sa iba’t-ibang Asian countries
  • Bagama’t hindi raw kaakit-akit ang hitsura nito, napakayaman sa Vitamin-C.
  • Pag hilaw siya is green, and then nagye-yellow pag hinog, and then eventually nalalaglag na sa lupa.
  • At dahil sa taglay nitong asim, masarap daw itong haluan ng gata.
  • Ginataang Namnam.
  • Ngayon po, ipapakita ko po sa inyo kung paano lutuin ang paborito naming namnam.
  • Nag-gisa ng bawang at sibuyas, pagkatapos ang binalatang Namnam
  • Isama na rin po natin sa gisa ang mga hipon
  • Tapos lagay po tayo ng asin, paminta, gata.
  • Pinakuluan hanggang kumapit ang gata
  • Kaunting sugar, sa mga mahihilig ng maanghang, pwede rin po nating lagyan ng sili.
  • Matapos ang ilang minuto, nag-uumapaw sa linamnam ang ginataang Namnam.
  • Mas masarap ito kesa ibang gata, mas malasa ito e yung Namnam.
  • Ang isa pang prutas na ipinagmamalaki ni Doctor Coronel.
  • Galing pa raw ng West Africa, ang tawag dito, Ackee.
  • Kapag hinog na hinog na, kusang bumubuka ang bunga nito na parang bulaklak.
  • O magulang na siya, matured na, bumubuka siya.
  • Pero wag magpahalina sa ganda nito dahil kapag hindi hinog o kaya nasobrahan ng pagkahinog.
  • Puwede itong makalason.
  • Sa Pilipinas, iba’t-ibang klase ng mangga ang matitikman.
  • Apple Mango, Indian at Pajotan.
  • Heto, may dumagdag sa listahan, ang tinaguriang reyna ng lahat ng mangga.
  • Ang Golden Queen Mangoes.
  • Ang bigat ng isang piraso lang nito, halos dalawang kilo.
  • Ang sukat, eight inches pataas.
  • Hilig daw talaga ni Dorris ang pagkain ng Mangga pero lagi raw siyang bitin sa kada piraso.
  • Kaya naisipan niyang magtanim ng Golden queen mangoes.
  • Mula Taiwan ang mga buto nito na tumubo naman, at namunga rito.
  • Kung sa Taiwan, Golden o manilaw-nilaw ang kulay.
  • Ang bunga ng puno ni Dorris, tila hilaw.
  • Sa Taiwan, talagang golden na golden siya.
  • Pinapagold talaga ang mangga na ito.
  • Pero dito kasi, ang prefer ng karaniwan dito sa atin sa Pilipinas, hilaw yung malibalang.
  • Bagama’t nakakangasim ang balat nito, kapag biniyak, kulay dilaw ang laman
  • Kaya sigurado raw matamis.
  • Talagang nakakatulong yan sa ating katawan, may anti-oxidant din yan
  • At kumpleto naman siya sa lahat ng vitamins, lalo na sa vitamin C
  • Sina Dorris ang unang nakapag padami nito sa Pilipinas.
  • Kada piraso, 100 pesos.
  • Sa ganda ng klima ng ating bansa, marami tayong maaaning mga prutas.
  • Native man ang variety nito o dayuhan.
  • Tiyak matitikman ang sarap at sustansiya nitong Fruitilicious.

 

 

Tagalog Words and Phrases

Magaspang – rough

kaunti-few/small

karaniwang-common

manilaw-nilaw-yellowih

malalasap-smell

matingkad-bright

pinakuluan-boiled

piraso-pieces

pinagmamalaki-proud of

pinanggalingan-source

matitikman-taste

magparami-produce

binalatan-peeled off

nag-uumapaw-over flowing

naisipan-think

tinimplahan-mixture

dumagdag-in addition

bumubuka-open

BIYAHE TAYO: A SUMMER SPECIAL

 

 

BIYAHE TAYO: A SUMMER SPECIAL

 

Kabilang sa mga Padillang umeeksena ngayon sa showbiz ang Kapuso ngayon na si Bela Padilla.  Dahil magsesemana santa at panahon ng pagbabakasyon, time out daw muna siya sa trabaho.at ipapasyal nya tayo sa kanyang paboritong bakasyunan sa probinsya ng kanyang kabataan ang Batangas.

 

Ipinakita sa amin ni Bella ang rest house ng mga Padilla.   So basically, ito ung bahay at ito naman yung resthouse.

At meron kaming room lahat ng girls dito sa left side, lahat ng boys ay nasa right side tapos lahat ng medyo senior sa amin sa baba.  Dito daw sila madalas mag-reunion tuwing bakasyon.  Kada New Year’s Eve or Christmas Eve pumupunta dito tapos everytime na meron kang free weekend and long weekend pwedeng ipaalam kay Tita Ram tapos pwedeng gamitin yung resthouse so naging ano cya parang family sanctuary I guess kahit sinong kailangan ang ano kailangan ang get away from the city na malapit lang.  Eto ung bahay kubo, unahan dyan kung sinong matutulog dito kasi ito young best spot na matulog kasi fresh air kumbaga kasi sa loob naka-aircon pa rin so unahan kung sinong magisstay sa bahay kubo kung girls ba o boys or kung mayroon  ng adult na mauuna, wala na kaming say doon.  Isa raw sa kanilang binabalik-balikan  ang Beach Club and Resort na ito..Pag ganitong oras hanggang mga 3pm 2pm lowtide, maglalakad kami hanggang doon sa island na yun from my Tita’s house hanggang dun sa small island halos knee length lang ang tubig so literal na nilalakad lang at di mo kailangang mag swimming at all. Minsan, dala pa namin yung aso ni Tita Vicky pag pumupunta kami dun si  Emans.

 

Bukod sa maganda nitong Beach unforgettable din daw ang kanyang childhood experiences niya rito.  Dito pa lang sa may hagdanan namumulot kami ng Kermit crab pero binabalik din namin, minsan naglalaro lng kami usually, pinagrerace lang namin pero walang nananalo so. Kung adventure naman daw ang hanap, marami ritong water activities.  Isa  sa mga water sports na pwede mong gawin dito sa Lago de Oro pwede kang mag-rent ng Jetski. Tapos mamaya susubukan nating magsnorkling..  Pwede tayong sumakay ng bangka para matry na nating magsnorkling.   Sobrang ganda dito sa ilalim, madaming corals. Maganda kasi cya.

Kapag ganitong Summer Vacation., kanya kanyang gimik sa pagrerelax ang mga sikat ang TV Host na sikat na si Isabelle Daza nagtrekking sa Mt Batulao sa Batangas.  Si Sam Pinto naman sa Australia namasyal.  At ang magBFF or Best Friends Forever na sina Rhian Ramos at Bianca King nag girl Bonding at nagscooter sa Los Angeles sa Amerika.  Para naman kay Rovilson Fernandez, hindi raw mawawala sa kanyang listahan ang kanyang pinakapaborito niyang pasyalan at  bakasyunan ang Beach Club and Resort na ito sa Batangas pa rin. Pico de Loro is the absolute  athletes paradise.  There’s something for everybody from the weekend warrior all the way down to the heart track

 

 

Tagalog word/ phrases:

 

Bangka – boat

Bahay Bakasyunan – resthouse

Binabalikbalikan – returned back

Gimik – hangouts

Hanggang doon – until there

Kada – per

Kumbaga – as a matter of fact

Kung  mayroon – if there is

Mamaya – later

Namumulot ng shells – gathering shells

Pasyalan – esplanade/promenade

 

 

 

Roxas City: all your seafood cravings in one place | KMJS

 

Tagalog Filipino Grammar

Roxas City: all your seafood cravings in one place | KMJS

  • Kilala ang Roxas City bilang seafood capital ng Pilipinas.
  • Lahat nga raw ng klase ng seafood, narito at sagana.
  • Kung hindi ka makapag desisyon, kung aling seafood ang kakainin, may putahe raw na pinagsama-sama na ang lahat ng ito.
  • Ang “Tinagong Laman ng Dagat sa Ubad”.
  • Pinagsama-samang alimango, sugpo at hipon.
  • Nag-gisa ng bawang, sibuyas at luya.
  • Sunod na inilagay ang sugpo, hipon, buong alimango.
  • Nilagyan ng homemade tamarind sweet sauce o minatamis na sampalok.
  • Idinagdag ang sotanghon.
  • Pinakuluan hanggang maluto ang mga sangkap.
  • Noong maluto, inilagay ang ginisang lamang dagat sa ubad ng saging o yung malambot na bahagi na puno ng saging.
  • Muling tinakpan ng ubad.
  • Ang nakakatakot lang sa mga seafood.
  • Marami sa mga ito, mataas ang taglay na kolesterol. (cholesterol)
  • Nakakahighblood, pero may mga sadyang ayaw paawat, lalo pa’t nagsulputan ang maraming restaurant ngayon na ang specialty – Hipon at alimango.
  • Sa seaside restaurant na ito sa Las Piñas, tiyak daw na ikaw ang susuko sa mga alimango.
  • Sa halagang 599 Pesos na package, puwede kang mag videoke ng dalawang oras, tatlumpung minutong SPA at kumain ng buffet ng clam soup, buttered chicken, sweet and sour fish fillet, at ang pinaka highlight, alimango!na inilutong Crab Marites unlimited!one to sawa!
  • Matapos linisin ang mga alimango, tinimplahan ng asin at paminta.
  • Dinagdagan ng corn starch para magsilbing breading at saka ipinirito sa pinainit na mantika sa loob ng sampung minuto.
  • Noong maluto itinabi, nag-gisa ng bawang at sili.
  • Inihalo ang piniritong alimango.
  • Dinagdagan ng keso at White wine.
  • Luto na, ang crab Marites!
  • Sa restaurant namang ito sa Quezon city, imbes na beer ang nakalagay sa bucket, Seafood!
  • At ang pinakapatok daw nilang putahe, Ang shrimp salty experience in a bucket.
  • Pinakauluan sa chicken stock ang hipon.
  • Nang medyo luto na – pinatuyo, nag-gisa ng bawang, inilagay ang salty experience sauce, ma kombinasyon ng asin, itlog at ilan pang mga sikretong sangkap.
  • Sunod na isinama ang hipon, at saka inihalo.
  • Inilagay ito sa plastik, inalog para mahalo at inihain.
  • Maliban sa hipon, meron ding tahong, at alimango in a bucket.
  • Masarap pero pag nasobrahan, nakakatakot kaya’t hinay-hinay lang.
  • lalo pa’t sa dinami-rami ng mga seafood sa Pilipinas.
  • Hindi ka mauubusan!

 

Filipino Vocabulary Words:

Kilala – Well known

Sagana – Abundant

Putahe – Dish

Hipon – Shrimp

Pinakuluan – Boiled

Dinagdagan – Added

Pinakapatok – Most sought after / popular

Inihalo – Mixed

Nasobrahan – Excessive

 

 

 

 

daang ilog by Kara David

 

 

Daang Ilog

By Kara David

 

Sa tabi ng ilog ngmula ang mga pinaka- unang sebilisasyon sa mundo pero sa pagdaan ng panahon sa pagdating ng mga kalsada ang ilog unti unting nawala ang halaga. Pero sa mga lugar na malyo sa kabahayan. sa mga lugar na di na abot ng motorsiklo. Sa mga sityong malayo na sa kabahayan ng tao .sa mga lugar na tulad ng sityong asul sa Mindoro oriental. Sa tahanan ng mga katutubong mangyan. Ilog ang nagsisilbing daan

Asul na asul ang langit  maganda ang sikat ng araw. Tamang tama ang panahon para maglaro at magtampisaw. Pero imbes na laruan ito ang perming  bitbit nila  sa kabundukan. Ang Akala moy inusenting tawanan pero katuwang palay mabigat na pasan.

Ang katorse anyos na si ligawon . Ang pinakamalakas sa mga magkakaibigan kargador ng gabi at saging ang magkakaibigang Erwin, Marvin, Noel at Ligawon.

Kara: bat wala kayo sa school ngayon?

Erwin : namimili po kami ng saging

Kara : ah namimili kayo ng saging?pero nag  eskwela kayo?

Mga bata: opo,

lgawon : kaso lang ngayong araw

ligawon: dalawang araw po!

Kara : dalawang araw ang alin?

Ligawon: dalawang araw ang absent po.

Kara :bakit kayo kailangang mg absent sa school?

Ligawon: kailangan namin ng pera. Pg recess po.

Kinabukasan biyernes maaga kung nakita sila ligawon sa skelahan pero nagulat ako kasi ang mga kasama niyang bata imbes na lapis at papel gabi at kung ano anong produkto ang bitbit.

Arnold reyes : ah!!actually po kapag Friday nangangalakal po ibang mga bata.

Kara: ah!!!so ngtratrabaho sila?

Arnold reyes: oho

Kara : ah so kapag Friday kunti lang talaga ang estudyante ninyo?

Arnold reyes: opo yan po talaga ang kadalasang nagyayari dito.

Kara : oo

Arnold: hindi naman po kayang pigilan ng mga magulang

Gustuhin man ng mga guro na pilitin ang mga batang mag aral, paghahanap buhay ang tila mas matimbang. Hindi lang siya ang pinakamalakas si ligawon din ang pinaka matalino sa mga bata.

Arnold: si ligawon po ay medyo napabayaan na nag magulang niya. Kaya ngtatrabaho siya para sa kanyang sarili. Siya ang president. Magaling  naman siya sa school.

Kara: magaling siya sa school?

Arnold: sa school magaling siya.

Kara: kaso lang?

Arnold: kaso lang pag every Friday ngpapaalam siya sa amin.

Kara: oo

Arnold: na mangangalakal po muna ako sir para magka pera.

Kara: hmmmmmm…

Arnold: self-supporting siya.

At pagkatapos nga ng flag ceremony ngpaalam na si  ligawon para umabsent sa araw na iyon.

Sa bundong dumiritso si ligawon kasama ang kanyang mga kaibigan. Nagtayo sila ng maliit na timbangan at matiyagang naghihintay ng mga katutubong bababa mula sa bundok.

mga katutubo : dahan dahan lang.

Kara: so ang ginagawa nila tuwing araw ng ah ng biyernes, mula doon sa  mataas na bundok bumababa yong mga tanim dito din dito na nila kinikilo yong kanilang mga kalakal para hindi na nila kailangan pumunta diritso sa bayan.

Makalipas ang isang oras nakaipon na ng marami raming kalakal ang mnga bata. Simula na ng kanilang kalbaryo bilang mga batang kargador. Hindi ko alam kung paano kinakaya ng mga batang ito ang bigat ng sako sa kanilang likuran. Sa bilis ng kanilang kilos at determinasyon sa kanilang mukha ramdam kung tila nagmamadali ang mga bata.

Nalaman ko ang dahilan ng kanilang pagmamadali ng nararating namin ang isang puno ng mangga. Dito ko nakilala si Merriam ang amo ni nila  ligawon.

 

Tagalog  words /phrases:

kabundukan- highlands

bundok –mountain

pinakamalakas- superpower

kalakal- goods

Makalipas ang isang oras- after a time

Nagmamadali- hurriedly

Naghihintay- waiting

Matiyaga- patient