Paraisong Salat (Kara David)

 

 

 

Paraisong Salat

(Kara David)

Sa dulo ng Zamboangga may labing isang isla na tila nakalimutan na ng panahon.labing isang isla na minsa naging lagusan ng mga pirate at mga terorista. “No Man’s Land” kung tawagin ito noon. Ngayon nagging paraiso na naiwan sakahapon.

Paraisong salat.

Payapa na ngayon sa eleven (11) island ng Zamboanga’ pero dahil sa madugong nito nakaraan hindi makakaila ang takot habang binabagtas namin ang dagat patungo dito. Papunta tayo ngayon dun sa tinatawag nating eleven Isalands yun yong isa pinakamalayong isla  dito sa Zamboanga, ang problema sa islang ito ay  dahil malayo sila kun baga’ sa mainland, doon walang tubig, walang kuryente, wlang eskwelahan at walang health center.

May liwanag na ng marating namin ang pamilyang Baki sa Eleven Islands halika puntahan na natin.

Makatawag pansin ang barong-barong nga pamilya dahil sa makukulay na papel nan aka paskil sa kanilang dingding “kapayapaan na ipinaubaya na bungang pagkakaisa at wikang ipinamana ating mahalin at bigyn halaga.” Igunuhit ito ng panganay na si Sarfaina. Si Sarfaina ang panganay sa siyam na magkakapatid. Naka gayak na sila para sa eskwelahan alas 7 pa kasi ang pasukan.

Mahigit isang oras na sila naghinhintay para kay tatay pero hindi pa binabalik ng karagatan ang kanilang ama. Hindi ko pa lubusan maintindihan ang sitwasyon ng mga bata ang alam ko lang wala pang hawak na baon ang magkakapatid kaya hindi sila makaalis.

Bilang ate si Sarfaina ang nag-aalaga sa mga bunso lalo na sa tatlong taong gulang na si Nasri.

Kara: anu ito iniinom ni Baby? Parang chocolate

Sarfaina: hindi ma’am asukal yan.

Kara: asukal at?

Sarfiana: hindi ma’am, asukal lang, hinahaluan lang ng tubig na maainit.

Dahil salat sa kita walang pambili ng gatas ang pamilya kaya kung hindi kape, tubig na may asukal ang iniinom ng mga bata.  

Makalipas  pa ang ilang minute nakarinig na ng motor ng Bangka saw akas dumating na ang kanilang ama.

Kara: dami po bang huli?

Mama: kunti lang ma’am

Kara: ilan lang po?

Mama: hindi ko alam, mga lima (5)

Alas syete (7) na ng umaga noon late na sa school ang mga bata pero imbes na magabot ng pera pambaon sa eskwelahan inatupag muna ni tatay ang pag laladlad ng pukot.

Kara: yong systema kasi ng pangingisda nila dito yong tinatawag na pukot,yong’ lambat na yon inilalagay lang nila dun sa dagat tapos swertehan nalang kung ilan isda ang makukuha. Eh’ naka ilang ladlad na sila ng pukot wala pang isda, dadalawa palng yong nakita natin.

Nang matapos pagladlad nag pukot dumiritso sa bahay ang mag-anak. Magbibigay na raw ng baon si tatay pero imbes na pera anim na tuhog ng isda ang iniabot. Ang mga baon ng mga bata kailangan pa pala nila kitain sa pamamagitan ng pagbebenta ng mga isda.

Pasado alas syete na maka alis ang mga bata sa isla. Ang masaklap kailangan pa nila mag  sagwan patungo sa kabilan dalampasigan.

Kara: hindi ba kayo napapagod, Faina?

Faina: pagod po ma’am, pero titiisin lang po, kasi para maka pag aral ma’am.

Kara: malayo pa ba tayo?

Faina: opo

Malayo pa, ok, sagwan na.

Malayo pa daw.


 

 Tagalog words

Makukulay-colorful  

Karagatan- Ocean

Sitwasyon- situation

Nag-aalaga- taking care of

Asukal- sugar

Kape- coffee

Bangka- boat

Eskwelahan- School

Dalampasigan- beach

Pinakamalayong isla  -farthest Island

Paraiso-paradise

Salat- scarce

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Tool laban sa mga robots *