Daily Archives: May 26, 2016

eats summer time (Jessica Soho)

 

 

 

Eats summer time

Bukod sa mga magagandang tanawin may isa oang sinasadya ang mga bakasyunista sa mga magagandang lugar sa ating bansa, syempre mga masasarap na pagkain na matitikman sa ibat-ibang tawag na specialty restaurant.

Ang syudad ng Dumanguete sa Negros Oriental na isa ngayong tinuturing popular retirement destination relax ang pamumuhay lalo’t maganda ang lugar na napapaligiran ng karagatan kaya ang kanilang putahe fresh from the sea.

Hali na sa restaurant,

Tree house ang tema.

Sande Fuentes: yong property may punong manga. Dun kami nag start naglagay kami ng bar sa baba tapos gumawa kami ng second floor yun na yong’ nagging tree house. Meron tayong mga aquarium so live yong most na sea foods natin, kunyari oysters ay live at yong lobsters. Halos araw-araw tayo kumukuha. Hindi dsiya na pofrozen, presco talaga.

Isa sa kanilang specialty, baked talaba at chill garlic crab. Nilinis muna ang talaba , pinakuluan. Nang naluto, binuksan at tinabi. Pinaghalo-halo ang hiniwang bawang, spring onion, butter at basil na ginawang tapings ng talaba dinagdagan ng keso.

Ate: ipapasok natin sa oven para maluto ng two minutes.

At binake sa oven.

Babae 1: lami!!

Para sa chili garlic crab ang pupwede lang dito ang malalaki at buhay na alimango nilinis hiniwa.

Ate: ilagay natin ang crabs, igisa natin ang alimango sa bawang at sibuyas. Tinimplahan ng asin at paminta, dinagdagan ng tomato sauce at sinabawang tasang crab o yung pinag pakuluan. Dinagdagan ng crispy fried garlic chips at spring onions.

Lalaki1: maanghang na medyo manimis-namis, basta ang sarap.

Lalaki2: sarap naman..

Meron din sila dito na sariling version ng Bicol express tinawag nga lang nilang Dumanguete express. Sama-samang pinakuluan ng luya, kamatis, sibuyas, isda, posit, hipon, siling espada at bell paper. Tinimplahan ng asin, paminta dinagdagan ng dahon ng malungay, sinbayan ng gata, dinagdagan ng kinayod na buko. Muling pinakuluan hangang nanoot ang lasa.

Ready to serve! Dumanguete, express.

Babae 1: flavor ng coconut ba? Cocnut milk. Masarap.

Panlaban naman sa mainit na panahon ang sikat na ice cream ng Dumanguete na ipiniprito. Fried ice cream.

Babae: ito po kailangan po talaga sobrang init yong oil bago niyo po siya idedeep fry mga 1 minute Lang po.

Nung nagging golden brown ang dough inihain. May vanilla, mocha, ube at pandan flavors, kada order, 55 pesos.

Babae: kakaiba siya kasi pinry tapos masarap yong flovor.

Babae 2: para siyang bread na may ice cream tapos ang sarap.

Hindi nga lang tourist spot ang dinarayo ngayon sa ating mga probinsiya. Pati na ang pinagmamalaking nilang pagkain.

 

 Tagalog Word/ Phrases:

Pinakuluan- boiled

Sinasadya- consciously

 Tanawin- view

Alimango- Crab

Tinimplahan- seasoned

manimis-namis- sweet

araw-araw- everyday

Pinaghalo-halo- blended mixture

napapaligiran ng karagatan- surrounded by ocean  

maanghang- spicy