Tagalog/Filipino Tutorial Through a Video – Yaman ng Mt. Isarog

Tagalog/Filipino Tutorial Through a Video – Yaman ng Mt.  Isarog

“Yaman ng Isarog” By Kara David (I-witness)

 

 

 

Sa taas na 2000 meters, ang Mt Isarog sa Camarines Sur , ang pinakamataas na bundok sa buong Bicol. Isang bulkan na tanyag sa kanyang  mga ilog at talon , paraiso ng kalikasan na may ikinikubli ring  kwento ng kanyang nakaraan. Matarik ang daan paakyat sa Mt. Itarok. Maraming mga pagkakataon na kailangan mong kumapit sa mga ugat para hindi ka malaglag. Pero kung kalbaryo na ang daan paakyat, Mas mahirap ang daan pababa. Hindi kasi  simpling mountainering ang balak namain sa Mt. Itarok, kundi canyonering. 

Ang canyonering ay isang uri ng adventure sport kung saan magrarapel ka pababa ng bundok sa loob mismo ng waterfalls. 

Man: Kung capacity ng rope, ay 2000kl.

Kara: so kahit mataba ka , pwede,?

Man: kayang-kaya ma’am. Maski 300. May mga malalaki kami dito, talagang kayang-kaya mga ‘yun.

Dalawang taon nang gumagawa ng mountaineering sa Mt. Isarog ang grupong Kadlagan adventures.

Man2: Nakikita namin, ang gaganda ng mga waterfalls. paano kaya mas maganda na pagcommune sa nature or sa waterfalls o ganun, kasi …..

Para matanggal ang aming kaba, nagsimula muna kami sa maliliit na waterfalls. Sa kalagitnaan ng pagrarapel, sinabihan ako ng aming guide na bumitaw sa lubid at tumalon. 

Kara: Ha? Ngayon na?

Dahil hagdan, hagdan ang waterfalls sa Mt. Isarog , mabilis kaming nasanay sa paggamit ng lubid. 

HIndi simpling rapeling kung saan bumaba ka sa pader gamit ang lubid, sa canyoneering, may dagdag na hirap at peligro . Dito kasi, hindi lang tarik at dulas sa pader ang iyong alalahanin kundi pati lakas na agos ng waterfalls na sasalubungin ng iyong katawan. 

Pagkatapos ng pagtutuos ng agos ng tubig sa waterfalls , akala ko tapos na  ang aming kaba pero hindi pa pala.

Kara: Ate, ano  na ang gagawin natin ngayon?magrarapel ulit?

woman: slide

Sa Simula, nakakatakot ang bilis ng agos, pero habang tumatagal ,nasanay din kami sa pasikot, sikot na talon.

Ang malinaw na tubig at ang malawak nitong kagubatan ang pinagkukunan ng tubig ng buong Camarines Sur. Kaya naman ibayong proteksyon   para mapanatili ang natatagong paraiso.

Man: lahat po nakasalalay sa Mt. Isarog, ang pagkabuhay ng lahat. 

Anim na iba’t ibang waterfalls ang sinuog ng grupo . Akala ko tapos na ang aming kalbaryo pero paghahanda langn pala ito para sa pinakamahirap na bahagi ng mt. Isarog 

 

Tagalog words and Phrases:

tanyag – famous, well-known

Tanyag ang Mt. Mayon na makikita sa Bicol.

Tanyag siyang singer.

talon- waterfalls

Ilog- river

Kubli- keep, hide ( Ikinukubli)

Nakaraan- past  

Matarik- steep

Daan- road, path

paakyat- going up

Paakyat ka ba ng kwarto? Are you going up to the room?

Pagkakataon- there are times, chance, instances 

Kumapit- kapit- to cling, hold tight 

 

 

For Tagalog lessons : skype id: elaic.tagalog

email add: elaictagalog@gmail.com

Thanks to i-witness and to Kara David.

 

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Tool laban sa mga robots *