Antique Rice Terraces

 

Sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya at ng satellite na diskobre ang mga tagong rice terraces, hindi sa Banaue, hindi sa Ifugao kundi sa Antique na dalawang daan taon na ang tanda. Marso noong nakaaraang taon ng napansin ng instructor sa UP visayas na si Emanuel Lerona sa 3D virtual map ng google earth ang imahing mistulang rice terraces.

Emanual Lerona: I try to zoom in doon sa isang area along the mountain rage of Madias at nakita ko doon ang sa Town of San Remegio somes spot na parang may lines lines kasi siya so I tried to zoom in and I tried to figure out then resembled yung rice terraces. So I suspected na ay baka may mga rice terraces nga dito. I tried to check the map further sobrang malawak siya.

Pero sa lawak ng kabundukan ng Antique  hindi agad natuntun ang pinanggalingan ng imahe. Ngunit matapos ang higit isang taon may isang natumbok na lugar na possible raw kinaroroonan ng imahe.  

Emanual Lerona: that could be in General Fullon in Antique.

Sa lingong ito sinadaya ito ng aming team. Limang bundok na tinatayang 20 kilometers ang layo mula sa bukanang bayan ng Valderama ang kailangang tahakin.

Brgy. Captain: meron tayong akyatin na matatarik na bundok at saka meron tayong dadaanan na may mga bangin.

Emmanuel Lerona: very much excited

Pagputok ng araw simula na ang lakaran. Unang dinaanan ng aming team ang Mt. Iring-iring, masukal,matarik ang daan. Maya-maya pa, may nakasalubong silang katutobo na pababa sa bayan bitbit ang kanilang mga kalakal.

Jessica: kuya ano yang dala niyo?

Mama: mga anu ito, tabako.

Jessica: saan dadalhin?

Mama: doon sa Iglinap.

Ang isang ito, isang boung baka ang dala-dala.

Jesica: anu gagawin niyo sa bakla? Bebenta sa ba yan?

Mama: Oo

Habang tumataas ang araw pataas na rin ng pataas ang tinatahak ng aming team. Ang kanilang paghihirap sinusuklian naman ng makapigil hiningang view.

Matapos ang pitong oras na pag-akyat sa bundok narating nila ang Brgy. Gen. Fullon, San Remegio at dito na tumambad ang nakamamanghang tanawing ito na ngayon lang marahil masisilayan ng publiko. Ang instruktora na nakita lang sa google earth sa pamamagitan ng ng satellite, heto! compirmado, meron ngang hagdan-hagdan palayan dito sa probinsya ng Antique na tinatawag ngayong; Antique Rice Terraces.

Emmanuel Lerona: ang hirap puntahan itong lugar na to,kung titignan mo talagang ang malayo puntahan ang lugar na ito at nakakabilib kung paano na buo itong hagdan-hagdang palayan dito sa Antique. Talagang bilib na bilib ako. For the people here to have come up with their own technology at nag decide silang gawin itong rice terraces na to’.

Sa Pilipinas ang pinakasikat ang Banaue rice terraces na may lawak na higit kumulang sa 10,000.hectarya kabilang  ito sa UNESCO world heritage sight at tinatawag ding 8 (eight) natural wonder of the world ng marami. pero sinong magaakala na hindi lang pala sa Cordillera Region and merong rice terraces sa ating bansa pati na dito sa Antique sa lawak na anim-na-raan hectarya (600 hectares).

 

Tagalog words:

Hagdan-hagdan palayan-Rice terraces

Matarik- steep

Bangin-cliff 

Compirmado- confirm

Lawak- extent 

Bilib na bilib- very impress 

Kalakal- goods 

Nakamamangha- amazing 

dalawang-daan taon- two hundred years 

Natuntun- traced

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Tool laban sa mga robots *