Monthly Archives: March 2016

Enchanted River – Tagalog Tutorial

Enchanted River – Tagalog Tutorial

By Jessica Soho ( credited )

Enchanted River video report by Jessica Soho ( credited) Tagalog tutorial , words and phrases to help Tagalog learners and to take them to the beautiful country Philippines. 

Sa panahon ngayon, mabilis kumalat ang impormasyon. Kung gusto mong mang -enganyo ng mga turissta? Kung minsan, isa o dalawang litrato lng, pwede ka nang pumatok. 

Kagaya na lang ng larawang ito kung saan, asul na asul ang tubig. Para tayong tinutukso para maligo at lumublob sa sobrang linaw nito , naaaninag na ang ilalim ng ilog. Umani ang litratong ito ng mahigit tatlong libong ‘like ‘ at mahigit walong daang ‘shares’.

Ngunit may ilang nagduda. photoshop daw o diduktor lang ang larawan  para magmukhang perfect . Pero may ilan na magpapatunay . Ito’y authentic.  

At ang mas nakakaguat , sa Pilipinas pala ito matatagpuan .
Dito sa bayan ng Hinatwan sa probinsiya ng Surigao Del Sur. May nakatagong paraiso .Sa halagang p30 lang na entrance fee. bubungad ang ganda ng Enchanted river . Enchated kasi tila nababalutan ng hiwaga ang ilog na ito. Paiba- iba kasi ang kulay, Pag bukang liwayway, berde, pagsapit ng hapon, asul. 
Sa underwater cave na ito nanggagaling ang malaks na  agos ng tubig . 
base sa kwento ng ilang mga matatanda sa lugar, pinaniniwalaang diwata daw ang nagbabantay sa ilog. Kaya wala daw nangangahas na maligo dito noon.    
Pero dahil hindi maitatanggi ang ganda nito. Noong 2010, nagsimula itong dagsain ng  mga
turista , Sa ngayon, umaabot ng mahigit kumulang dalawang libong mga turista ang
nagpupunta dito araw- araw , lalo na ngayong tag-init . 
Kabilang na ang magkakaibigang ito na bumiyahe pa galing ng Davao. 
Dahil halos walong oras ang kanilang ibinayahe , agad -agad silang nagtalunan at nagtampisaw.
May mainit at malamig na bahagi ang ilog. Kitang-kita pa nnga sa aming camera ang pagmoist
ng lente dahil sa pagabbago  ng temperatura ng tubig. 
Pwede din dito makipag bonding sa  mga isda. Ngunit pagdating ng alas dose ng tanghali, lahat
humihinto sa pagsuswimming. kailangan na daw kasing  pakainin ang mga isda. Ang
pinaghaloong kanin at hiniw-hiwang octopus ang pakain sa mga isda rito. 
Noong 2010, isang grupo ng mga divers ang nangahas at sumisid sa Enchanted River.
Natuklasan nila na meron palang malaking chamber o espasyo sa ilalim nito  na halos sinlaki
 ng basketball court. Mahigit 80feet ang nasisid ng mga divers. Pero mas malalim pa daw ito
kaya hanggang ngayon malaking katanungan  kung gaano ba ito kalalim at kung ano  pang mga
misteryo  meron sa  pusod nito. 
” Sa di mapaliwanag na ganda nito, maraming dumarayo na turista. kaya mas lalong nakilala
ang aming bayan na Hinatuan. 
Ang isa pang madalas na -share na litrato online, kung hindi nakakatawa, ay yung mga agaw
eksena . Kagaya na lang nga jip na ito   na biyaheng Angeles, Pampanga , meron daw libreng
wifi?Patok na patok din ang  mga nakakatuwang pangalan ng mga negosyo. Katulad ng laundry
shop na ito sa Quezon city ang “Lord of the Rinse” . At ang tunog coffee shop na establisimento
na ito. Pero parlor pala. Ang “Starbuhok Salon and spa” sa Paranaque. 
Marami rito ang nag-iintriga at nagpapa- picture. 
“Nagulat ako, akala ko nga Starbucks. Simula noon dito na ako nagpapagawa.
“Parlor po pala. hindi coffee ang siniserve. 
Adik daw talaga si marian sa naturang coffe shop. Kaya naisipan niyang maging katunog nito
ang pangalan ng kanyang negosyo. 
“Ako ang nagdesign ng logo. May meaning naman ang nandoon. Not necessarily kinopya kasi
salon siya , may gunting at suklay. Tapos meron siyang crown na merong three stars.
Nagrerepresent dun sa tatlong anak ko na babae.
At mukhang effective. Maski daw nakailang kape siya, hindi siya nenerbiyusin dahil bumabalik
ang kaniyang puhunan. Katunayan, inihahanda na ang pangalawa nitong branch . 
“Nung ginugle ko nga, madami nga ang nagpost ng pisture dun sa  logo kasi napapa second
look talaga sila dahil kakaiba to ah.
For Tagalog lessons , skype id : elaic.tagalog