Link

INIHAW

The Filipino’s love affair with grilled food

  • Kung may usok, may sunog o apoy agad?
  • Hindi ba puwedeng may nagbabarbecue lang muna?
  • Lalo pa’t tayong Pilipino, may love affair sa mga inihaw.
  • Mula sa manok at isda, Isaw, Tenga,
  • Lahat ating iniihaw, lalo pa ngayong malamig ang panahon.
  • Dito sa Obrero sa Davao City,
  • Kakaiba ang presentation ng inihaw na manok.
  • Bukod kasi sa ito’y nakatuhog.
  • Nakalambitin din? Paimpress!
  • Ito ang ipinagmamalaking Espetada o Hanging Chicken! ng mga Davaoeño
  • Lahat ng Cater namin, iniooffer talaga namin itong Espetada.
  • At yung mga tao, na cucurious kung ano itong Espetada so pinapakita namin
  • At minsan nagpapadala kami sa kanila for food tasting.
  • Ang kanilang manok, ibinabad sa pinaghalong parsley, suka, bawang,
  • Dahon ng sibuyas,Tanglad, asin at paminta.
  • Sunod itong itinuhog sa skewer o metal na pantuhog.
  • Kasama ang ibat-ibang mga gulay, at saka ito inihaw.
  • You’ll never forget the lasa.
  • From Portuguese na parang Thai na lasa.
  • Ang salitang Barbecue, nanggaling pala sa salitang Barbacoa.
  • Na ang ibig sabihin, “slow cooking of meat”
  • Sa mga nabibitin naman sa mga pa stick-stick lang na mga inihaw.
  • Malamang para sa inyo ang best seller Pork Barbecue ng Lola Ote.
  • Ang haba kasi nito, 18 inches
  • Ang recipe, minana pa daw ni Hazel sa kanyang Mommy Rose o si Lola Ote.
  • Since bata pa ako kasi, Lagi kaming may mga reunion and gatherings ng family
  • So iyon, since marami ngang bata, laging barbecue yung hinahanap.
  • Ang kanilang Barbecue Sauce, na may kung anu-ano raw sikretong mg sangkap.
  • Pinagpasa-pasahan na mula pa sa kanilang kanuno-nunoan.
  • Katunayan, mas matanda pa raw ito mismo, kay lola Ote.
  • Galing din siya sa Recipe pa nung tita or parang Grandmother ko.
  • Parehas sa nakasanayan nating timpla ng barbecue,
  • Ibinabad din ito sa Ketsup, bawang, barbecue sauce, kalamansi, asin at paminta.
  • Marinate natin siya overnight.
  • Dapat at least 6 hours to 8 , the best – overnight.
  • Pero imbes na stick ito ituhog, sa isang metal skewer, na ang haba, 18 inches.
  • Sunod itong inihaw hanggang makuhaang tamang lambot ng baboy.
  • At inayos sa Plating na parang nakasampay ng pabaligtad.
  • Finally, ito na ying ating finished product.
  • Malambot siya, para siyang chicken kasi,pag kinagat mo, juicy at masarap pa.
  • Puwedeng-pwede raw ito sa mga mahilig mag food porn o yung mga panay ang kuha.
  • Sa kanilang mga pagkain lalo pa’t suportado daw nina Hazel
  • Ang pag-kiclick before you eat.
  • Mostly yung mga tao, pag nag-dine in sila.
  • Usually they take pictures of the food, so dun ko siya, dun ako na inspire.
  • Bitin ka pa ba? sa Barbecue na 18 inches ang haba.
  • Aba, baka ito na ang iyong katapat.
  • Ang eat all you can inihaw sa Makati.
  • Sa halagang 300 to 500 pesos kada tao, depende sa araw at oras.
  • Lahat ng mga nakaahin ditong inihaw, puwedeng upakan.
  • Mula sa mga sikat na inihaw na pulutan.
  • Hanggang sa Pork at Beef Sirloin, Chicken Wings,
  • Fresh Seafood Plates katulad ng Pusit, Hipon at Yellow fin Tuna.
  • Bawat mesa, may sari-sariling ihawan, parang Shabu-Shabu style.
  • Kaya, kanya-kanyang ihaw.
  • Hilig daw talaga ng may-ari na si Patrick ang mga inihaw.
  • Kaya naisipan niya ito gawing negosyo.
  • Ang concept ng Charaptor ay para maenjoy ng mga costumers yung freshly grilled
  • na barbecue, off the grill ba, mainit-init pa.
  • Araw-araw, pinapakyaw raw nila sa palengke ang 50 kilos na isda para,mas mura.
  • Ang pinakamabenta daw sa kanilang kainan, Japanese Bacon Asparagus
  • Kada 10 to 20 minutes, may refill nito.
  • Gagawa po tayo ng Chicken cheese Sausage.
  • Pinaghalo ang giniling na manok, ang giniling na Porkchop.
  • Keso at iba’t-ibang spices, pagkatapos inilagay sa bituka ng baboy at saka inihaw.
  • Dito naman sa Sct. Rallos sa Quezon City.
  • May isang kainan na laging Blockbuster sa haba ng pila.
  • Ang matiyaga nilang pinipilahan at hinihintay maihaw,
  • Ang specialty ritong “Grilled Barbeque Ribs”
  • Pinasarap ito ng matamis nilang glaze, pati na ng ibat-ibang sawsawan.
  • April 2011 nang magbukas ang Rub and Ribs Barbecue.
  • Nakaisip po yung mga boss ko na gumawa talaga ng menu.
  • Yun nga yung, baby back ribs na affordable.
  • So alam naman natin na pag Baby back ribs is premium talaga siya so premium cut.
  • So parang mahal ang pagka ano natin.
  • Dry Rub ang tawag sa style nila ng pagluluto.
  • Dry Rub means, mix po siya ng spices, so first po yung ribs natin,
  • Nira-rub po talaga ng mga special, home-made na spices.
  • Sa paggawa nito, ipinahid ang sikretong spices sa baby back ribs.
  • Pinakuluan at saka inihaw, pinahiran ng Barbeque sauce habang iniihaw
  • Para mas manuot daw ang lasa.
  • Ang presyo, 205 hanggang 685 pesos.
  • Masarap yung ribs, yung curry sauce niya lasang lasa.
  • Malambot yung meat niya saka yung serving size niya, tamang-tama.
  • Pero siyempre, kailangan pa ring mag-ingat sa mga panay pagkain ng mga inihaw.
  • Hindi lang inihaw, sunog na kanin, sunog na tinapay.
  • Ano mang bagay na nasusunog, nagiging carbon.
  • At yon ang cancerous, so hindi lang siya limited sa inihaw.
  • Kapag nauumay na sa mga komplikadong putahe.
  • Mabuti na lang mayroong inihaw.
  • Hindi bale ang mausukan.

Learn Tagalog Online

Skype id :elaic.tagalog

https://sellfy.com/elaictagalog

Our Facebook page

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Tool laban sa mga robots *