Monthly Archives: July 2015

Link

 

Kotse

Custom Cars by Pinoys

  • Ang pangarap nilang ito, umaarangkada ngayon.
  • Meron na silang kanya kanyang kotse.
  • At lahat ng ito, customized!
  • Naaayon sa gusto nilang disenyo.
  • Katulad ng dating Hatchback 1993 model ni John.
  • Ginawa niyang mas astig!
  • “Nagseseven colors po siya eh”
  • Naggegreen, may black, nagbobrown, gold.
  • Tapos pag nabasa siya ng tubig, nagbublue.
  • Kaya namin siya kinulayan ng ganyan para kakaiba.
  • Madali siyang mapansin ng tao.
  • Ang bumper mas lumapad at pinababa.
  • Ang mugs o yung gulong, hindi hamak na mas maangas.
  • Pinalitan din niya ang kulay ng interior ng kotse.
  • Nilagyan ng seven inches na in-dash dvd TV.
  • Pati ang audio system, high-end.
  • Dinagdagan pa ng kung anu-anong abubot.
  • Ang sasakyan naman ni Jun, di rin pahuhuli.
  • Pinatingkad ang kulay, nilagyan pa ng glitters.
  • Nilaparan ang harapan, gawa sa fiber glass.
  • At ang audio system, mamahalin din.
  • Ang kotse naman ni Nelson, Mukha nang Chedeng ngayon.
  • Sa ilaw pa lang, masisilaw ka na.
  • Meron pang blinkers.
  • Hanep din ang gulong.
  • Ang pintuan, pataas ang pagbukas.
  • Sa loob, magsasawa ka sa limang TV moitor.
  • Mas maporma po kasi pag lima yung TV.
  • Kahit sa labas, nakikita po yung TV ganon.
  • Tsaka pang carshow lang po talaga.
  • Halos dalawang buwan daw ang inabot.
  • Bago nila na-makeover ang mga ito.
  • At hindi lang yan, ang pag cocustomized ng sasakyan.
  • Ginawa na ring negosyo ni Nelson.

 

Learn Tagalog Online

Skype id :elaic.tagalog

https://sellfy.com/elaictagalog

Our Facebook page

Link

INIHAW

The Filipino’s love affair with grilled food

  • Kung may usok, may sunog o apoy agad?
  • Hindi ba puwedeng may nagbabarbecue lang muna?
  • Lalo pa’t tayong Pilipino, may love affair sa mga inihaw.
  • Mula sa manok at isda, Isaw, Tenga,
  • Lahat ating iniihaw, lalo pa ngayong malamig ang panahon.
  • Dito sa Obrero sa Davao City,
  • Kakaiba ang presentation ng inihaw na manok.
  • Bukod kasi sa ito’y nakatuhog.
  • Nakalambitin din? Paimpress!
  • Ito ang ipinagmamalaking Espetada o Hanging Chicken! ng mga Davaoeño
  • Lahat ng Cater namin, iniooffer talaga namin itong Espetada.
  • At yung mga tao, na cucurious kung ano itong Espetada so pinapakita namin
  • At minsan nagpapadala kami sa kanila for food tasting.
  • Ang kanilang manok, ibinabad sa pinaghalong parsley, suka, bawang,
  • Dahon ng sibuyas,Tanglad, asin at paminta.
  • Sunod itong itinuhog sa skewer o metal na pantuhog.
  • Kasama ang ibat-ibang mga gulay, at saka ito inihaw.
  • You’ll never forget the lasa.
  • From Portuguese na parang Thai na lasa.
  • Ang salitang Barbecue, nanggaling pala sa salitang Barbacoa.
  • Na ang ibig sabihin, “slow cooking of meat”
  • Sa mga nabibitin naman sa mga pa stick-stick lang na mga inihaw.
  • Malamang para sa inyo ang best seller Pork Barbecue ng Lola Ote.
  • Ang haba kasi nito, 18 inches
  • Ang recipe, minana pa daw ni Hazel sa kanyang Mommy Rose o si Lola Ote.
  • Since bata pa ako kasi, Lagi kaming may mga reunion and gatherings ng family
  • So iyon, since marami ngang bata, laging barbecue yung hinahanap.
  • Ang kanilang Barbecue Sauce, na may kung anu-ano raw sikretong mg sangkap.
  • Pinagpasa-pasahan na mula pa sa kanilang kanuno-nunoan.
  • Katunayan, mas matanda pa raw ito mismo, kay lola Ote.
  • Galing din siya sa Recipe pa nung tita or parang Grandmother ko.
  • Parehas sa nakasanayan nating timpla ng barbecue,
  • Ibinabad din ito sa Ketsup, bawang, barbecue sauce, kalamansi, asin at paminta.
  • Marinate natin siya overnight.
  • Dapat at least 6 hours to 8 , the best – overnight.
  • Pero imbes na stick ito ituhog, sa isang metal skewer, na ang haba, 18 inches.
  • Sunod itong inihaw hanggang makuhaang tamang lambot ng baboy.
  • At inayos sa Plating na parang nakasampay ng pabaligtad.
  • Finally, ito na ying ating finished product.
  • Malambot siya, para siyang chicken kasi,pag kinagat mo, juicy at masarap pa.
  • Puwedeng-pwede raw ito sa mga mahilig mag food porn o yung mga panay ang kuha.
  • Sa kanilang mga pagkain lalo pa’t suportado daw nina Hazel
  • Ang pag-kiclick before you eat.
  • Mostly yung mga tao, pag nag-dine in sila.
  • Usually they take pictures of the food, so dun ko siya, dun ako na inspire.
  • Bitin ka pa ba? sa Barbecue na 18 inches ang haba.
  • Aba, baka ito na ang iyong katapat.
  • Ang eat all you can inihaw sa Makati.
  • Sa halagang 300 to 500 pesos kada tao, depende sa araw at oras.
  • Lahat ng mga nakaahin ditong inihaw, puwedeng upakan.
  • Mula sa mga sikat na inihaw na pulutan.
  • Hanggang sa Pork at Beef Sirloin, Chicken Wings,
  • Fresh Seafood Plates katulad ng Pusit, Hipon at Yellow fin Tuna.
  • Bawat mesa, may sari-sariling ihawan, parang Shabu-Shabu style.
  • Kaya, kanya-kanyang ihaw.
  • Hilig daw talaga ng may-ari na si Patrick ang mga inihaw.
  • Kaya naisipan niya ito gawing negosyo.
  • Ang concept ng Charaptor ay para maenjoy ng mga costumers yung freshly grilled
  • na barbecue, off the grill ba, mainit-init pa.
  • Araw-araw, pinapakyaw raw nila sa palengke ang 50 kilos na isda para,mas mura.
  • Ang pinakamabenta daw sa kanilang kainan, Japanese Bacon Asparagus
  • Kada 10 to 20 minutes, may refill nito.
  • Gagawa po tayo ng Chicken cheese Sausage.
  • Pinaghalo ang giniling na manok, ang giniling na Porkchop.
  • Keso at iba’t-ibang spices, pagkatapos inilagay sa bituka ng baboy at saka inihaw.
  • Dito naman sa Sct. Rallos sa Quezon City.
  • May isang kainan na laging Blockbuster sa haba ng pila.
  • Ang matiyaga nilang pinipilahan at hinihintay maihaw,
  • Ang specialty ritong “Grilled Barbeque Ribs”
  • Pinasarap ito ng matamis nilang glaze, pati na ng ibat-ibang sawsawan.
  • April 2011 nang magbukas ang Rub and Ribs Barbecue.
  • Nakaisip po yung mga boss ko na gumawa talaga ng menu.
  • Yun nga yung, baby back ribs na affordable.
  • So alam naman natin na pag Baby back ribs is premium talaga siya so premium cut.
  • So parang mahal ang pagka ano natin.
  • Dry Rub ang tawag sa style nila ng pagluluto.
  • Dry Rub means, mix po siya ng spices, so first po yung ribs natin,
  • Nira-rub po talaga ng mga special, home-made na spices.
  • Sa paggawa nito, ipinahid ang sikretong spices sa baby back ribs.
  • Pinakuluan at saka inihaw, pinahiran ng Barbeque sauce habang iniihaw
  • Para mas manuot daw ang lasa.
  • Ang presyo, 205 hanggang 685 pesos.
  • Masarap yung ribs, yung curry sauce niya lasang lasa.
  • Malambot yung meat niya saka yung serving size niya, tamang-tama.
  • Pero siyempre, kailangan pa ring mag-ingat sa mga panay pagkain ng mga inihaw.
  • Hindi lang inihaw, sunog na kanin, sunog na tinapay.
  • Ano mang bagay na nasusunog, nagiging carbon.
  • At yon ang cancerous, so hindi lang siya limited sa inihaw.
  • Kapag nauumay na sa mga komplikadong putahe.
  • Mabuti na lang mayroong inihaw.
  • Hindi bale ang mausukan.

Learn Tagalog Online

Skype id :elaic.tagalog

https://sellfy.com/elaictagalog

Our Facebook page

 

Link

Learn Tagalog Online

ASWANG – XIAO TIME – Kasaysayan ng Konsepto ng Aswang

  • Makasaysayang araw po its Xiao Time!
  • Awwwwoo! Noong isang Linggo ay nagtungo ako sa Roxas City sa Capiz
  • Para magsalita sa unang Boris youth Leadership Institute Social Science Cup
  • Nang sabihin ko sa isang mahal sa buhay na nagmula ako sa Capiz
  • Itinanong ba naman sa akin, Nakakita ka ba ng aswang.
  • Aswang sa Capiz? Hindi na naalis sa Capiznon ang stigma na sila ay bayan ng mga aswang
  • Therefore, bayan ng mga delikadong tao.
  • Ano ba ang ugat ng konsepto ng aswang?
  • Sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga kwentong bayan at tala ng mga espanyol.
  • Ipinakita ni Propesor Randy Arkigawi sa kanyang papel na Debunking the Myth of Aswang in Capiz.
  • Ito ay bilang tugon sa hamon ng pagtuturo ng lokal na kasaysayan ng Capiz sa Araling Panlipunan
  • Sa Grade 7 sa ating K+12 kung saan kabilang aswang.
  • Bago pa man dumating ang mga Espanyol, mayroon nang mga kwentong bayan sa Capiz na binabanggit amg aswang.
  • Ang isa ay binabanggit na may naghari sa isla ng Panay na kakakahango pa lamang noon mula sa dakilang baha.
  • Sina Agurang, ang mabuting kaluluwa na nakagagaling,
  • At Aswang, ang masamang kaluluwa na maaaring makasama o makamatay.
  • Ang pangalawa naman ay sa Kumadapnon, kung saan ay binanggit na isang aswang si Paglambuhan.
  • Isang matapang, kagalang-galang at batikang mandirigma o hangaway.
  • Na iniipon ang mga buto ng taong natalo niya sa isang mano-manong labanan at kinilalang datu ng lipunan.
  • Kung titingnan ang aswang ay ikinakabit sa kahit na sinong kinatatakutan o iniiwasan ng bayan.
  • Sa depenisyon sa mga diksiyunaryo na isinulat ng mga Prayleng Espanyol, ang aswang naman ay ito.
  • “Etchesero ruho y pantasma” na ang kahulugan ay sorcerer of ghost.
  • Mula sa mga pagbasang ito, makikita na ang pinapatungkulan ng mga aswang ay yung mga Babaylan.
  • Ang mga dating espirituwal na pinuno ng bayan na dahil nais nilang palitan ay siniraan nila upang tawaging may sa demonyo.
  • Malakas kasi ang Babaylanismo sa Panay at magtutungo ang sila at ang kanilang mga tagasunod sa kabundukan upang
  • umiwas sa Katolisismo at Kolonyalismo.
  • Kaya naman ang mga tagabundok ay tatawaging mga masasamang tao.
  • Kaya gumawa ng iba’t-ibang kwento ang mga Prayle na tulad ni Juan De Plasencia
  • Na nagsasabing ang mga aswang ay nakikitang lumilipad, pumapatay ng mga tao
  • At kinakain ang kanilang mga laman.
  • Kay Ortiz, ang mga aswang ay lumilipad sa bubong ng bahay.
  • Nilalabas ang dila na parang sinulid.
  • At pinapasok sa puwitan ng bata upang kainin ang mga lamang loob nito.
  • binabanggit din ng mga prayle na nagiging aso ito at minsan pusa o ipis upang makalapit sa bata.
  • Kinakain din daw nila ang mga may sakit at ang mga patay.
  • Sa huli, ayon kay Alicia Magos, eksperto sa kasaysayan ng Panay.
  • Dalawang Babaylan sa Panay ang siyang pumutol na sumailalim sa mga espanyol,
  • Sina Kunidnid at kawayway.
  • At dahil sa patuloy na pagpaparaktis ng katutubong paniniwala, Ibinigay sa kanila ng Espanyol
  • ang pinakamalaking insulto sa mga panayanghod, ang katawagang Aswang.
  • Muli, paninirang puri ng mga Espanyol ang salitang aswang sa mga ninuno nating Babaylan.
  • Di sila masasamang tao.
  • Ako po si xiao Chua para sa Telebisyon ng bayan

 

Learn Tagalog Online

Skype id :elaic.tagalog

https://sellfy.com/elaictagalog

Our Facebook page

Link

Learn Tagalog Online:

Chicken wings craze take over Metro Manila | Kapuso Mo, Jessica Soho

  • Ang isa sa mga paboritong parte ng manok,
  • Hindi na kailangan pang pag agawan.
  • Dahin meron nang mga tindahan at restaurant
  • Na ito ang specialty – “Chicken Wings
  • Hindi ito ang pinakamalaman na parte ng manok.
  • Pero ito ang pinakamasarap papakin.
  • Hot na hot sa mga mamimili
  • Marahil dahil sa may 1001 ways yata,
  • Para mas maging katakam takam ito.
  • Patunay riyan ang mga nagsulputang mga restaurant.
  • Na naghahain ng kani-kanilang “Chicken Wing” recipes
  • Seven! Five!
  • Nito lang huwebes, bago pa man tumilaok ang manok!
  • Pila na sa Capitol Common sa Pasig.
  • Ang inabangan, ang unang araw ng pagbubukas ng American Restaurant Chain na ito.
  • Na kilala sa masarsa at mainit init pang Chicken Wings
  • “Alas diyes, Alas diyes po ng gabi”
  • “I was here at 7:00 pm so that’s more than 15 hours? So my husband loves this”
  • “Since my husband loves this.”
  • “Since 7:00 am, Taking chances na makakuha pa ng uhhm,”
    “for one year, free wings”
  • “Kasi mahilig kami sa Buffalo wings, and its free”
  • “Sino ba ang tatanggi ng free?”
  • Ang una kasing isang daang tao sa Pila
  • Magkakaroon ng libreng Chicken wings
  • Hindi lang para sa araw na ito
  • Kundi sa buong taon!
  • The booklet has 52 coupons, which is valid for one year
  • The guest gets to have wings in snack size
  • in any sauce that they would like
  • Dahil alam daw nilang Chicken lover tayong mga Pinoy
  • Dito sa Pilipinas nila naisipang magbukas ng kauna-unahang nilang branch sa Asya
  • I believe Buffalo Wild Wings saw potential in our group.
  • “We have a good track record of bringing in brands and making them succeed in the market.
  • Hindi tulad ng ibang Chicken Wings ang mga manok nila rito.
  • Wala raw halong marinate at breading
    Kaya mas angat daw ang lasa ng kanilang mga specialty sauce.
  • What we gonna do, We’re gonna take out the wings out of the chiller”
  • “One person will take out the wings out of the chiller”
  • “And he will transfer them to the fryer.”
  • “And there’s another person who’s gonna drop them into the fryer.”
  • “And will put them to a 165 degrees celsius”
  • “What happens then will transfer to the warmers and straight on to our buckets.”
  • “From the buckets, we shake them with all of the sauces”
  • “And we transfer them to the plates and out to the window.”
  • Mula sa freezer, diretso prito sa mainit na mantika,
  • Pagkaluto, hinaluan ng kanilang mga signature sauce.
  • Meron silang thirteen signature sauces na magpipilian
  • Para sa mahilig sa matamis, Honey BBQ flavor.
  • Ang tamis ng mangga, puwedeng matikman sa Mango Habanero Sauce.
  • Pero kung gusto ninyong umusok ang inyong mga dila sa anghang.
  • Subukan ang kanilang Blazin, na pinakamaanghang.

 

Learn Tagalog Online

Skype id :elaic.tagalog

Tagalog/Filipino learning materials are here. You can also buy direct from us.

https://sellfy.com/elaictagalog

Our Facebook page

 

 

 

Link

Mga ALAHAS ni IMELDA MARCOS

  • IMELDEFIC – Ostentaciously extravagant o sobrang luho
  • Hango ito sa pangalan ng world famous nadating First Lady ng Pilipinas
  • Sino pa kundi si Imelda Marcos.
  • si Imelda na ang sapatos, mahigit dalawang libong pares.
  • Pero ngayon, isa pa sa kanyang mga luho ang nasa limelight.
  • Ang kanyang mga alahas.
  • 150 Karat Burmice Ruby pendant, pinalibutan ng diyamante.
  • Ang halaga, 290,000 dollars.
  • Ang kwintas na diyamante na may emerald, 1.5 million dollars.
  • Ang Tiara o Korona na tadtad ng brilyante, at meron pang South Sea pearls, 1.4 million dollars.
  • Ilan lang ito sa mga alahas ng dating Unang Ginang.
  • Manlalaki ang mga mata mo, sa kinang, sa ganda, at sa presyo!
  • Noong bumagsak ang diktaduryang Marcos,
  • Tatlong koleksiyon ang kinumpiska ng Beauro of Customs at
  • Presidential Commision on Good Government o PCGG.
  • Ang Honolulu collection, Ang Malakanyang collection
  • At ang nasa kamay ng Greko na si Dimitrio Romilyotes.
  • Ito’y bitbit ng isang Greek na ang pangalan niya ay Dimitreus Romilyotes in 1986.
  • Dala-dala niya ito sa NAIA at ito’y nasita ng aming nga Customs personel.
  • Ayon sa PCGG, tinatayang 30 million dollars ang halaga ng lahat ng ito.
  • Gagamitin daw ang pondo para sa ilang mga proyekto ng gobyerno.
  • Sa Nobyembre inaasahang gagawin ang malawakang international auction.
  • Dadaluhan ito ng ilang sikat na auction houses, Pristis, Sotheby’s, Bonhams.
  • Kahit sino daw, basta may pera, puwedeng sumali sa Auction.
  • Pero tutol si Mrs. Marcos kaya’t nagsampa siya ng petisyon para pigilan ang subasta.
  • Hindi lamang sintemental, mga ninuno namin, like mga krusipiho, mga rosaryo, mga religious items.
  • ng mga forefathers ko, parang may sentimental value.
  • Sa isang pambihirang pagkakataon, napaunlakan ako ng special viewing ng mga alahas ni Imelda.
  • I was astounded, astonishing, fabulous, anf hindi pa ito ang pinakamahal ha?
  • Yung Remulyotes ang pinakamahal.
  • Nakatago ang mga ito ngayon sa mga vaults ng central bank.
  • “Kapuso! marami siyang puso oh, Kapusong kapuso”
  • “Commisioner, sa kanya daw lahat ito?”
  • “Sinuot niya kaya ito? Various colors”
  • “Para hindi nila sabihing kase kinlose up lang, o ayan ho, piso!”
  • “Kaya mabigat, maliit na gold to”
  • “Card key ito, sobrang ano, sosyal na brand”
  • So hindi puwedeng she can claim that these are hers, kasi actually sinurender na nya.
  • Hindi naman kami maglalakas loob na ibenta ito if we know that
  • Its privately owned by any individual.
  • Pero sa totoo lang, hindi lang ang dating unang ginang ang mahilig sa mga alahas hindi ba?

 

Learn Tagalog Online

Skype id :elaic.tagalog

https://sellfy.com/elaictagalog

Our Facebook page

 

 

 

 

Link

Learn Tagalog Online|:

Kapuso mo Jessica Soho – Boneless bobotong asan, Candaba Pampanga

  • Ang isdang tabang tulad ng dalag, pwede raw gawing boneless
  • Sa Kandaba sa Pampanga, isa sa paboritong luto sa dalag
  • Boneless Bobotong Asan
  • Kakaliskisin ho natin, yan..
  • Matapos kaliskisan ang dalag, ikukuskos ito sa magaspang na bato para maalis ang lansa
  • Lalamasin sa asin at suka, pagkatapos tanggalan ng tinik.
  • Ang mga sangkap para sa Boneless Bobotong Asan,
  • Tinadtad na dahon ng Alagaw, kamyas at mga pampalasa.
  • pag-hahaluhaluin na natin ang ating tinadtad na ingredients.
  • Ilalatag ito sa kawali, at ipapalaman sa tiyan ng Dalag ang natira.
  • Pagkatapos, inapuyan!
  • Itong Bobotong Asan, ito ay napakasimpleng recipe
  • Tawag nga nila, recipe ng mga tamad.
  • Hindi ka na mag-gigisa, walang effort.
  • Kahit di ka marunong magluto.
  • Yung rekado niya, sinipsip ng laman ng isda.
  • Kasi wala nang tinik eh, puro laman na lang.
  • Hindi yan sa ano, sa lasa
  • Hindi pamilyar sa akin ang lasa nito pero, masarap siya.
  • Sa totoo lang, mas masarap ang mga pagkaing may buto.
  • Dahil ang lasa ng karne o laman,
  • Nakatago sa buto.
  • Pero para sa mga maseselan dyan, heto ang mga bubusog sa inyo.
  • Na hindi ninyo na kailangan pang paghirapan.

 

Learn Tagalog Online

Skype id :elaic.tagalog

https://sellfy.com/elaictagalog

Our Facebook page