Monthly Archives: March 2015

Link

Tagalog Online – Kapuso mo, Jessica Soho

Tagalog Online:

Jessica Soho Featuring Kakanin

  • Mangga, ube, mais, makapuno at tsokolate.
  • Bahagi na nga ng ating panlasa at kultura ang mga kakanin.
  • Masagana raw kasi tayo sa palay, at may malalawak ding niyugan.
  • The Philippines is a rice-eating culture.
  • Yung first foundation of rice culture is rice and water.
  • After that, nagkakaroon na ng discoveries, so you have rice, tapos yung gata, saka yung honey, bago dumating ang mga Kastila.
  • Sa Visayas, sikat ang kalamay ng Bohol, ang Moron ng Leyte at ang Baye-baye ng Bacolod.
  • Ang mga kapatid nating Muslim sa Mindanao, hindi pahuhuli sa kanilang mga meryenda gaya ng Amek, Pakbol, at Biakey.
  • Sa hitsura pa lang ng mga ito, tiyak nang matatakam ka.
  • Mapapaaya ng “Kain tayo!”
  • “Kain ta”, “Kain tayo!” sa mga salitang ito nagmula ang pangalan ng Cainta sa Rizal.
  • Ang itinuturing na “bibingka capital” ng Pilipinas.
  • Dito raw kasi unang ginawa ang Bibingka.
  • Itinuro ng mga Sepoy o Kilyan, na napadpad sa Cainta noon.
  • Pero ang bibingka ng taga Cainta, hindi katulad ng mga nakasanayan natin tuwing Pasko.
  • Sa halip na giniling na bigas, mga buong butil ng malagkit ang hinahaluan ng gata at asukal.
  • Ang resulta? mukhang biko.
  • Si Aling Kika, ang reyna sa likod ng sikat na sikat na “Aling Kika’s” ng Cainta.
  • Nagsimula lang daw si Aliing Kika sa paglalako ng dala-dalawang bilao ng bibingka.
  • Pero sa kanyang pagsisikap, dahang dahang nakilala at lumago ang kanyang tindahan.
  • Ito raw ang ipinampaaral niya sa siyam niyang anak.
  • Nobentay dos anyos na ngayon si aling Kika, pero ang kanyang kakanin, dekalidad pa rin!
  • “Dapat maraming gata at saka asukal na primera. Pati malagkit primera, puro primera gamit ko.
  • Si aling Kika ang inspirasyon ng mag-asawang Junior at Lorna.
  • Pangarap din nilang magkaroon ng sariling pagawaan ng kakanin.
  • “Biko, maha palitaw!”
  • Sa ngayon nagsisimula muna sila sa palako lako ng sari-saring kakanin.
  • “Kahit anong negosyong gagawin namin. Pandagdag din sa pagpapaayos ng bahay, sa kinabukasan ng mga bata”
  • Sa bawat hiwa ng Maha Blanka, o suman umaasa si Lorna na bukas, matitikman din niya ang tamis ng tagumpay.
  • Hindi simpleng lutuin ang ating mga kakanin, wala itong mga shortcut.
  • Pawis at pagod ang kailangan sa mga ito.
  • Kaya siguro, masarap!

 

 

Learn Tagalog Online

Skype id :elaic.tagalog

https://sellfy.com/elaictagalog

Our Facebook page

 

 

Link

Tagalog Online  – Kapuso Mo, Jessica Soho

 

Jewel in the Palace star Lee young-Ae

  • Alam ninyo bang napakahirap makuha sa isang interview ang mga Korean nobela superstars.
  • May ilang buwan na ho nating pinipilit makuha si Jang Geum pero dito sa Singapore ko lang pala siya mahuhuli.
  • Hali ho kayo at meron tayong one-on-one interview kay Jang Geum.
  • Miss Lee? I’m Jessica, such a pleasure to meet you!
  • I’ve watched, Jewel in the Palace, You’re such a big hit in the Philippines.
  • Yes, In the Philippines, it is our station that is showing Jewel in the Palace.
  • Nagulat ako noong siya’y kaharap ko na, mabait siya, palangiti, at walang ere.
  • Ang 5 minutes na ibinigay sa amin, umabot ng halos 20 minutes,
  • Miss Lee, how do you feel that you’re referred to as “Asia’s sweetheart” and in the Philippines, you are hugely popular.
  • Malaki ang pasasalamat ko sa mga manonood, dapat nga ako ang pupunta sa Pilipinas para personal na maihatid ang aking pasasalamat sa mga manonood pero kayo pa ang nagpunta dito para makita ako at makapanayam kaya lalo akong nagpapasalamat.
  • I’ve done a little bit of research, one remarkable thing that they say about you is you’re more than just a pretty face, that you have in fact finished your college education and you’ve felt it was useful and it was very important for you to have done that.
  • Maraming salamat sa inyong mga papuri, ang totoo, bawat isa sa atin ay may ibat-ibang pananaw sa buhay kaya hindi rin natin masasabi na mas mabuti ang sa akin kaysa iba sa pag-gawa ng mga desisyon sa ikabubuti ng ating sarili, gayun pa man, pagdating sa pag-arte, bukos sa pagkakaroon ng talento, kailangan mo ring maging praktikal
  • Para sa akin, mahalaga ang pagiging mature ng isang tao, sa totoo lang, nakatulong ang aking karanasan at edukasyon para mas mapabuti ko ang aking pagganap bilang Jang Geum sa Soap operang “Jewel in the Palace”
  • Dahil diyan, nagkita-kita tayo ngayon dito sa Singapore para sa panayam na ito kaya’t nagpapasalamat ako.
  • Maraming salamat talaga sa inyong lahat.

 

Learn Tagalog Online

Skype id :elaic.tagalog

https://sellfy.com/elaictagalog

Our Facebook page

Link

Kapuso Mo, Jessica Soho

Tagalog Online:

Pope Francis’ favorite food

  • Alfajor o cookie na may palamang Dulce de Leche
  • Asado, Medialunas o “que es”, at ang pinakamasarap na sandwich daw sa buong mundo, ang Choripan o tinapay na may palamang sausage.
  • Ang may paborito naman nito, malapit na malapit ngayon sa mga puso nating mga Pinoy
  • Ang pinaka-importante nating bisita ngayon sa ating bansa
  • Walang iba kundi ang “People’s Pope”, Si Pope Francis.
  • Laking Flores Buenos Aires sa Argentina si Pope Francis
  • Lugar na kilala bilang isa sa may pinakamalaking supplier at may pinakamasarap na karne sa buong mundo
  • Pero ayon sa librong “Buon Appetito” na isinulat ni David Geiser, isang batang Chef mula sa Vatican Swiss guards, sa dinami rami daw ng pagkaing Argentinian, ang pinaka-kumiliti sa panlasa ni Pope Francis, Empanada, Roast Sirloin o Colita de Quadril at Dulce de Leche.
  • At sa Argentinian Restaurant na ito, dito sa Makati, matitikman ang ilan sa mga putahing kinalakhan ni Lolo Kiko, at para masigurong authentic ang kanilang mga putahe, ang mga sangkap at ang kanilang taga-luto, galing pa mismo ng Argentina na si Chef Juan Barcos
  • “I would say that 80% of the ingredients we used, are exactly the same to the ones we use at Buenas Aires
  • Inihanda na nila ang kanilang best seller at paborito nga raw ni Pope Francis, ang Empanada de Carne, sa paggawa ng palaman, tinunaw ang butter sa sauce pan sabay iginisa ang sibuyas sa loob ng walong minuto, maya-maya lang hinalo na ang giniling na baka kasama ang iba pang mga sangkap pinalamig ~ “We cook all the ingredients and we adjust the seasoning when the filling is cold already ~” pagkatapos ay ibinalot sa dough, at saka ipinirito at hinango nong golden brown.
  • Para naman sa Dulce de Leche, haluin ang asukal, gatas, vanilla, at baking soda hanggang lumapot ito at mag-caramelize
  • Kadalasang tumatagal ng higit pa sa pitong oras ang paggawa nito.
  • So good but wow!! Its so sweet!

 

Learn Tagalog Online

Skype id :elaic.tagalog

https://sellfy.com/elaictagalog

Our Facebook page

 

Link

Kapuso Mo, Jessica Soho

Tagalog Online:

Temple of Leah: Cebu’s newest tourist attraction

  • Sa mga naglalakihang haligi na ito, kaliwa’t kanang mga rebulto, at engrandeng hagdanan, akala mo, ika’y nasa Rome!
  • Pero ang mansiong ito, wala sa Roma! kundi nasa tuktok ng Barangay Busay sa Cebu City.
  • Opo! dito lang yan sa Pilipinas!
  • Ang ginagawa ngayong “Temple of Leah”
  • Unti-unti nang nakilala, bilang bagong atraksiyon sa Cebu!
  • Tinatayang humigit kumulang 5000 square meters, ang lawak ng Temple of Leah.
  • Meron itong pitong palapag, dalawampung mga kuwarto, at mahigit animnapung mga poste o column
  • Ang Temple of Leah, hindi lang daw residential o tourist attraction, kundi bantayog o monumento ng wagas na pag-ibig ng may-ari ng mansion
  • Ang retiradong sitentay-sais anyos na negosyanteng si Teodorico Adarna, Lolo ng sexy star na si Ellen Adarna, para sa kanyang pinakaminamahal na asawa na si Leah Villa Albino
  • Nagkakilala raw sina Teodorico at Leah noong kapwa nag-aaral pa sila
  • Crush ng bayan daw noon si Leah, pero sa dinami dami ng manliligaw nito, ang nakasungkit sa kanyang puso, si Teodorico.
  • Matalino kasi ang father ko at talagang masipag, very humble beginnings
  • Pagkagraduate nila, agad nagpakasal. Ang kanilang pagmamahalan, nagbunga ng mga supling
  • Pangarap daw noon ni Leah na magkaroon ng resthouse sa Cebu, pero sa kasamaang palad, noong 2010, sa edad na sisentay-nuebe anyos, pumanaw siya sa sakit na Kanser.
  • Sa sobrang lungkot ng kanyang mister, naisipan nilang mag-aama, na magtayo ng Greek Mythology inspired na mansion para manatiling buhay ang mga ala-ala ni Leah
  • Parang before she died, “Na ano siya, sinong mag-aalaga ng gamit ko?” parang ganon so nag promise yung father ko, “wag kang mag-alala, yung gamit mo ilalagay ko sa isang lugar, duon ko yan, duon natin yan i store” Kaya naano yung Temple of Leah.
  • Ang pinaka-highlight ng mansion, ang engrandeng hagdan, na may inukit na anghel na gawa sa brass
  • Narito rin ang halos sampung talampakang taas na rebulto, mismo ni Leah na may hawak pang bulaklak at suot na korona na gawa sa Bronze.
  • Lahat ng ito, mula pa raw sa China
  • Ang aklatang ito naman, naglalaman daw ng mga paboritong libro ni Leah.
  • Sa kasalukuyan, under construction pa rin ang Temple of Leah pero open to the public na, walang entrance fee!
  • He has his ways of expressing his great love for my mother, tapos iba iba naman yung pag express ng mga tao sa isang tao, my father maybe, that is the best way for him to express his love to my mother

 

Learn Tagalog Online

Skype id :elaic.tagalog

https://sellfy.com/elaictagalog

Our Facebook page

Madge Cafe, home of the best coffee in Iloilo – Tagalog Online Classes

Biyahe ni Drew

Tagalog Online:

Madge Cafe, home of the best coffee in Iloilo

  • May nakapagsabi sakin na masarap daw ang kape sa “Madge Cafe”
  • Ang Madge Cafe na matatagpuan sa loob din ng La Paz Market ang sikat na meeting place sa Ilo-ilo City mula pa noong 1951.
  • Native Coffee ang specialty nila dito at ang mas amazing pa ay kung paano nila ito inihahanda.
  • Ang barista animo’y nag-eexhibition pa.
  • So naghahanap ako ng isang coffee shop sa loob daw ng palengke, weird location but I guess it works!
  • Hello goodmorning!, Hi I’m Drew, hello!
  • Hi, I’m Pete
  • Nakikita ko pa lang yung mga newspaper post nyo sa billboard at ah, or sa bulletin board at mukhang medyo matagal tagal na rin yung Madge Cafe sir
  • Oo, almost 72 years
  • Seven what?
  • Seventy-two
  • Seventy-two years?
  • From my Lolo pa
  • How do you make your coffee? what kind of a..
  • Uhm, simple no flavorings, no added flavorings, we only use the raw beans tapos roast lang siya, gina-grind and then after that tinitimpla na. Then we only need the Colador and the kettle right? of course the hot boiling water.
  • We call this the base, right? that’s our base
  • Then cook position is, pan, the hot water at saka yung coffee powder.
  • Hot water and coffee powder
  • Yun lang, very simple siya talaga
  • This is the beer latte, strong latte
  • There you go, dark! Coffee is always part of my daily diet.
  • So paano magkakaroon ng personalized mug ang isang tao?
  • Consistent drinker talaga.
  • Kailangan bang there’s an X amount of time?
  • Verily, kase may, the purpose really is personalized, yung personal hygene right?
  • Hi!, not bad this coffee actually, It might have coffee mud, but its the same, same package o di ba?
  • Black coffee, freshly brewed, ako sobra akong mapili sa kape dahil, picky ako kung acidic kasi acidic ako eh.
  • Alam mo ang feeling ko, its beyond, the taste of coffee ng Madge Cafe.
  • Tingin ko yung, tradition? feeling ko dahil sobrang tagal na nitong place na ito. Nagmula pa sa tatay ng tatay ng owner.
  • Its actually the people, not just experiencing the coffee but what they do here, that’s what sets it apart.
  • Yung mga tipong nagme-meeting sila dito, yung tipong breakfast meeting, nagsasalo-salo nagkukwentuhan lang kasama yung kape, tingin ko yun yun eh, yun ang panalo dito, and I’m sure, 72 years? its the best thing in 72 years, ayusin lang nila ng konti ang lugar. Its gonna be the same old place of Madge Cafe! Cheers!
  • For 20 pesos, meron ka nang steaming cup of coffee.
  • Hope to see you again!
  • Yes!, thank you thank you!

Learn Tagalog Online

Skype id :elaic.tagalog

https://sellfy.com/elaictagalog

Our Facebook page