Link

Biyahe ni Drew

 

Tagalog Online

The colors and culture of the Moriones Festival

Drew: 150 years nang isinasadula ng mga Marinduqueno ang religious tradition ng Moriones tuwing Holy week.

Local: Isang paraan para ang mga kahilingan sa buhay ay makamit, katulad ng kalusugan, pagsasama ng matagal ng isang pamilya, so iyo yung nakita kong magandang ngang dahilan ng pag momoryon ng mga tao noon at hanggang ngayon.

Local: Nagsimula po akong sumali sa Moriones noong mag-aapat na taon pa lang po ako, buong linggo po kaming nagpaparada.

Drew: Pero ang pinakainaabangang bahagi ng Moriones ay ang re-enactment ng Marinduqueno sa istorya ng paghuli kay Longhino, na ginaganap sa plaza ng bayan ng Mogpog.

Drew: Isang sundalong Romano si Longhino, pero nang masaksihan niya ang milagro ni Hesus, ninais niyang ibahagi ito sa iba pang Roman soldiers.

Drew: “Anong nangyari? Madaming mga sundalo dun no?

Drew: Nais siyang hulihin pa ng ibang Roman soldiers, ilang beses siyang nakatakas hanggang mahuli siya at napugutan ng ulo.

Drew: Sir pwede po bang mahawakan to?

Drew: Kuya! Gising na! Ayun naman pala eh! tinakot mo ako akala ko talaga wala ka ng ulo! O tara, tayo ulit,  palakpak palakpak!

Drew: Kung baga ito narin yun form of sacrifice, sa inyo? katulad na rin ng mga taong nagbubuhat ng krus, paakyat ng Cathedral? ahh.. okay, pagdating naman sa inyong mga maskara, balita ko’y talagang pinaghihirapan ninyo na gumawa niyan.

Local: Totally, talagang pinaghihirapan ho yan at saka pinagkakagastusan talaga.

Drew: Sa katunayan, mabusising proseso ang paggawa ng mga maskara para sa Moriones. Mula sa pag-ukit, pagkikinis, pagpipintura at hanggang sa mga finishing touches, inaabot daw ng isang buwan ang pag gawa ng isang maskara.

Local: Yung maskara pa lang po, inaabot na ng limang libo, like this, eto isang to, isang ganito pa lang, inaabot na ng five-thousand to.

Drew: Kayo ba gumagastos nyan?

Local: oo

Drew: Meron po ba kayong, parang natatanggap, sabihin na nating pagkatapos ng panata nyo?

Local: Eh hindi naman po kami usually humihingi ng ganyan, basta panata ho namin yan.

Drew: Hindi katulad ng mga festivals na naexperience natin all throughout the Philippines na, masaya, maraming sumasayaw, dito sa Moriones, re-enactment ng nangyari nga, duon sa bibliya at kanilang ginagawang panata every single year at nakikita ko, these people from Marinduque? They’re men and women of devotion at ginagawa nila yan through yung kanilang tinatawag na “Moriones” which is the play, and sila mismo gumagastos nyan. Five thousand pesos for the mask, more than i guess, xx amount pa for kanilang sinusuot, at yung hirap, pawis, pagod nila, na nagsisitakbo, medyo mainit-init pa.

Drew: Saludo ako sa mga sundalo ng Moriones.

 

Learn Tagalog Online

Skype id :elaic.tagalog

https://sellfy.com/elaictagalog

Our Facebook page

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Tool laban sa mga robots *