Link

Biyahe ni Drew:

Tagalog Online:

Animal encounters on a budget in Subic, Zambales

Drew: Ang next sa ating animal encounter’s adventure, ang Zoobic Zafari. Ang kaisa-isang tiger zafari sa bansa.

Drew: Swerte na namang may nakasabay ulit akong kids sa pagbisita ko rito.

Drew: Ang entrance fee dito ay 495 pesos per adults, at 395 naman para sa mga kids. Pero ang mga tickets pag nabili nyo online o sa internet, mayroon pa itong 10% discount.

Drew: Dalawamput limang ektarya ang sakop ng Zoobic Safari, hindi gaya ng mga hayop sa Zoo, hindi nakakulong ang mga hayop dito, kundi malaya silang, nakakagala sa tinatawag na simulated natural habitat

Drew: “Asawa ko, hawak-hawak yung mga anak”. Pero talagang pakay namin dito ay ang kanilang Tiger zafari, may dagdag na 200 pesos para masubukan ang venture na ito. Hindi lang tigre ang inyong makaka close encounter. kundi pati mga leon.

Drew: Sarap na sarap sila sa hilaw na manok! Kahit saan pa mag-landing ang manok, susundan ng mga gutom na tigre. “May pusa sa taas! bakit may pusa sa taas? sasabay sa atin papuntang manila yan!”

Drew: Ano Mr.Tiger? Di masarap ang kamera ano?

Drew: Matapos ang aming, tiger-rific experience! Sunod naming papasukin ang lion’s lair! Uh-oh! not the camera! ayan na! ayan na! o yan nako ayan na! para sa akin, mas pogi yung tiger eh

Drew: Enjoy magpakain ng leon at tigre di ba? Ngayon naman, isang kakaibang experience ang ipapasubok nila sa akin. Kung ano to, wait and see.

Drew: “Tingnan mo yun oh, ayun oh yung maliit!” Mamaya susubukan natin na palipatin yung nanay dito sa cage, para pwede nating lapitan yung Lion cub.

Drew: Sa wakas, lumipat narin si mommy lion sa kabilang cage. Malalapitan na natin ang lion cubs. “Nakikita nyo yung newly born, wala pang isang buwan, very rare! White Lion Cubs, swerte tayo dahil, well hindi to na ooffer to sa mga visitor at mga guest, well first time na bilang guest at nakalapit tayo sa mga lion cubs.. umaatras tong isa na to? Good news para sa inyo mga biyahero. I hope September yata o October, gagawin na nilang attraction tulad ng ginagawa nila sa mga tigers, pwede nang padedehin, pwede nang hawak-hawakan, pero ngayon inggit kayo dahil ako’y nanggigigil sa pusa na ito.

 

Skype id :elaic.tagalog

https://sellfy.com/elaictagalog

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Tool laban sa mga robots *