Link

Biyahe ni Drew

 

Tagalog Online

Where to Eat in Davao

Drew: Matapos magsaya at magpakapagod sa wakeboarding, kailangan patok ang hapunan!

Drew: Jack’s Ridge, Classic! pero we started featuring this place siguro mga.. seven to eight years ago so everytime na pumupunta kami dito sa Davao. Imposibleng di namin mafefeature to eh dahil, nakataas siya eh! (Ridge nga eh) and then we have this beautiful panoramic view of the City of Davao.

Drew: Ang isa sa masarap na kainan dito sa Jacks Ridge, ay ang Taklobo Restaurant. If you like grill specialties and lots of seafood, eto ang para sa inyo!

Drew: Dalawa ang indicators, na malalaman ninyo na sasabak ako sa isang malupit na food fest! Una! pag nakasuot ako ng sombrero at gaganyanin ko! Pangalawa, kapag nakayakap ako sa table. Paano naman ako di mapapayakap sa table, eh tingnan nyo naman ang mga pagkaing nasa harap ko. Okay! masarap to eh!

Drew: Ang menu natin for tonight? Inihaw na Tuna! Itlog ng isda o yung tinatawag nilang Bihod! Inihaw na Pusit? Seafood Supreme, at ang inihaw na isda, na kung tawagin ay Kitang! Oh kitang-kita ang gutom ko di ba?

Drew: It’s perfect because you got  really good grilled seafood, you got the view, and you got the music, okay yeah, and the picture takers.

Drew: Lahat ng grilled specialty na ito, less that 100 pesos lang per 100 grams lang ang presyo! pwede na! Ang Seafood Supreme naman, na may clams? hipon, tuna, at alimasag, ay 288 pesos lang!

** people singing and playing music **

Drew: Salamat kuya!

Drew: Kung mas budget meal pa ang hanap ninyo, subukan naman ang kainang “Balbacuahan sa Buhangin”

Crew: Balbacuahan yung balat ng baka?

Attendant: Oho, pwede po yung ano, merong bones, “oh magpunta kayo dito sa Davao, magtikim kayo ng aming masarap na Balbacua”

Drew: Sa halagang 30 pesos, meron ka nang isang mangkok ng masarap na Balbacua! Tiyak na mapapaorder ka ng extra rice baby!

Producer: Nagulat ako ha? kase masarap siya!


Drew: At kun di ka pa kuntento, meron silang mga inihaw o sinugba favorites na puwedeng pagpilian, and for dessert! sa labas ng restaurant, may naghihintay na fresh Durian! at sa halagang 35 pesos, pwede mo na itong pabuksan at at papakin! ng diretso, sa iyong sayo na!

 

Learn Tagalog Online

Skype id :elaic.tagalog

https://sellfy.com/elaictagalog

Our Facebook page

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Tool laban sa mga robots *