Daily Archives: February 21, 2015

Link

Biyahe ni Drew:

 

Tagalog Online:

Drew Arellano goes island-hopping in Zambales 

Drew: Ano? sama ka sa biyahe ko?

Local: Dito sa Zambales matatagpuan ang pinakamatamis na mangga.

Local: At dito rin sa Zambales matatagpuan ang magagandang isla para sa mga turista.

Local: Anawangin cove at Pocopones Island na mayroon pong lighthouse.

Local: Ang Zambales, napakalapit nito sa Maynila, malapit kami sa beach, katunayan this is a coastal Barangay so pwede kayong manggagaling dito at maexperience ang island hopping ng Zambales

Drew: A trip to Zambales won’t be the same without visiting its beautiful islands, para makapunta sa mga isla na ito, magtabi ng budget na 1500 pesos per group of 6 – 8.

Drew: Kung trip nyo ang picture picture sa iconic island na ito, aba! Capones Island ang dapat ninyong matunton, at ang maganda sa isla na to, walang entrance fee!

Drew: Kung gusto nyo namang mag-nature tripping and camping, subukan ninyo angAnawangin

Drew: One to sawa ka naman sa swimming at sunbathing sa Nagsasa. 50 peses ang entrance fee sa maghapong pag-eenjoy mo rito at 100 pesos naman pag overnight.

Drew: Kung hindi naman kayo kumportableng matulog sa mga isla, may mga resort naman na abot kaya ang rates.

Drew: But for me, pupuntahan ko ang di ko pa natutunton na isla sa Zambales, sa 400 pesos na renta, kasya na ang apat na tao sa bangkang ito, wala pang sampung minuto mula sa pampang? natunton na namin ang isla ng Potipot. Tahimik at mas konti ang tao dito kumpara sa Nagsasa at Anawangin. 200 pesos ang bayad para sa mga gustong mag-overnight, 100 pesos naman para sa mga day trippers like me. Bring your own tent ang style ng ibang nag oovernight dito!

Drew: Ako naman? swim all you can ang drama. Syempre dahil uso, may version din kami ng tinatawag na groupie, o selfie!

Drew: Para naman sa gusto pa ng konting excitement, subukan nyo ang Kayaking

Drew: Matapos ang swimming at kayaking, syempre meryenda by the beach naman at ang handa? mangga!

 

Learn Tagalog Online

Skype id :elaic.tagalog

https://sellfy.com/elaictagalog

Our Facebook page